*knock knock*
May katok, I mean kumakatok T___T Pinunasan ko muna yung mga luha ko.
“Pasok po”
Baka si mama. Pinunasan ko na yung luha ko. Baka makita akong umiiyak.
“Ehm, ate?” –dite na papasok
“Diyan ka lang sa pinto”
May kasalanan pa saakin tong bubwit na to remember?Ang bitter ko xD
“Ate naman eiih! > 3<” –Dite
Tinignan ko naman siya ng anong-kailangan-mo-look
“Kwan kasi ate, uhm.” –Dite
“Ayaw ko =___=” –sabi ko na agad sakanya. Ayaw ko muna siyang tulungan. Bawi-Bawi nalang kami :P
“Tikman mo muna kasi ateee! Machalap to!” –sabi ni Dite habang inaabot saakin yung STRAWBERRY CAKE!
“Ilapag mo diyan sa lamesa ko.” –sabi ko sabay talukbong ng kumot
“Hehe, okay ate ^______^”
Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ng kwarto ko, patalon akong bumangon sa kama tapos nilock yung pinto. Yipeeeee! Yun oh! Pang-alis stress! ^0^
Kinuha ko na yung tinidor at lumamon ng cake. Waaaaaa! Ang chalaaaap! Galing siguro to sa bakeshop nila Ian. T^T ang chalaaap talaga. Inubos ko yung cake na maliit tapos ibinabaang pinagkainan ko,
Sana di na dumating ang bukas. Parang ayaw kong pumasok, pero kailangan. Dapat ipakita ko kila mama na deserve ko sa palace high. Naghihirap sila para makapagtapos kami kaya di ko dapat ipagwalang bahala yun.
Someone’s POV
Oras: 8:15 pm
Nasa underground bar ang buong grupo ang BlackSyntax. Isang taon din ang lumipas simula nang pumunta si Shin sa states dahilan na rin sa kanyang ama.
Nagtipon tipon ang black syntax sa bar na ito upang magshot. Para narin magkaroon sila ng bonding.
“Kamusta yung kaso ni Yanna?”-Chad habang umiinom ng beer.
Dinig na dinig ang ingay sa bar. Kita mo rin ang mga mapangahas na mga tao sa dancefloor. Mga sikat sa underground battles ang makikita mo sa exclusive bar na ito.
“Hindi ako titigil hanggat di ko nakikitaang killer ni Yanna”-Shin habang sa malayo nakatingin.
“Men, pano pag nakita mo yung killer?”-seryosong tanong ni TJ habang nagyoyosi.