This is a work of fiction. Names,Characters,Places and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
---------*
Sa mundo ng studyante,
Nakatakip ang tunay na siya,
Mundo kung san siya tumatawa.
Nahaharangan ng pagkataong malayo sa kung sino siya.
Sa mundo ng Gangsters,
Ang mundo na nakatakda para sakanya.
Mundo na kinapapalooban ng pagkatao niya.
Mundo na hahadlang saaming dalawa.
Kaya ba naming ipaglaban?
Kaya ba naming makipag-agawan sa buhay at kamatayan?
O magsakripisyo para sa kaligtasan?
CHAPTER 1
Mag-aral ng mabuti. Mag-pasa ng requirements. Iwas sa distractions. Gawing proud sila mama at papa. Hooooo! First day na! Pano kaya to? Kabado ako... Promise! Third year student na ako sa new school na papasukan ko, Palace Academy.
Isang di pangkaraniwang na school. School kung saan nagaaral ang mga maimplewensiyang tao, hindi naman kami mayaman,nakakaraos lang. Nakapasok ako sa Palace Academy dahil sa kabutihang palad nakapasa ako sa scholarship examination nila.
Hindi ko bibiguin sila mama! Angel! Wala ng hiya-hiya to! Wala ng hiya hiya!
T__T Kaasar! Kinakabahan parin ako eh!
“Mama, hatid niyo ko.. Di ko po alam kung saan ang classroom ko.” Sabi ko kay mama habang kinakagat-kagat ang daliri ko, expression ko yan pag kinakabahan.
“Anak naman! Pumasok na kayo sa building niyo, hanapin mo nalang. Ang tanda tanda mo na. Sige na at may trabaho pa ako.” Sabi ni mama habang may hinahanap sa bag niya.
“Dito na kayo, mag-aral ng mabuti ah?”
“Opo” sabi naming ng kapatid ko pagkatapos halikan si mama sa pisngi.
“Ma? Please?” pagmamakaawa ko kay mama
“Naku!---“
Hindi ko na pinatapos si mama,
Bumaba na ang kapatid ko sa taxi at sumunod naman ako,mahirap na.. Baka makurot nanaman ako >_<!
“Hoy! Hatid mo ko!” sabi ko sa kapatid ko.
“Hatid mo mukha mo! Ate ang tanda mo na noh! Geh, bye bye” sabi ng kapatid ko sabay wave at takbo.