Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng matinding pagkainis sa narinig kong tumawag sa babaeng maganda na nakaupo ngayon sa tabi ko. Nilingon ko ang boses at nakakita ako ng isang napakagwapo ngunit saksakan naman ang pagkasimangot na lalaki.
"EMMA!" tawag niya sa kasama kong babaeng saksakan ng ganda at galang samantalang itong tumawag sa kanya na gwapo pero saksakan naman ng sungit! Tss. Walang kwenta! Eto kakambal niya? Imposible ang daming difference! Gurabee!!
"Oh anong problema mo?!" aba matinde rin pala tong si Ate Emma eh binabara niya yung kapatid niya haha nga nga naman tong isa haha!! UNDER sa kapatid! Hahaha!!!
"Emma, pengeng baon..." pambihira manghihnigi lang pala ng baon kay Ate Emma sisigawan niya pa! Walang kwenta! Eto namang si Ate Emma dinukot ang Hermes niyang wallet sa kanyang original na Jansport na bag at hinugot ang 1000 bill at inabot kay Ellis
"Oh ayan na! Alis! Nakakahiya kay Jae! Choopy!" ang sarap nilang panoorin! Wala kasi akong kapatid only child ako.
"Tss." inis na sabi naman ni Ellis sa kanyang kapatid.
"Anyare dun?" nagtatakang tanong ni Ate Emma.
Napailing nalang ako. Grabe nakakatawa talaga! Habang nagbabangayan sila kanina tahimik lang akong kumakain ng lunch ko at tumatawa tawa lang ako ng pa simple. Umalis na si Ellis at wala ng masamang hangin! Sa wakas! Hahaha!!
"Sorry tungkol dun kay Jae ahh? Ganun lang talaga yung kapatid ko maingay at madaldal 'yan saamin pero 'pag may kasamang iba, masungit na. Haha!! Ang ABNORMAL niya no?? Hahaha!!!" nakakatawa naman si Ate Emma! "Hindi naman po Ate Emma. Hehehe." parang nagulat ata siya sa pag tawag ko ng 'ATE' sakanya! Hahahaha!!!!
"ANONG ATE?! Mag kasing edad lang tayo no! Wag mo akong tatawaging ate ha?" waayy nanlaki yung mata niya hahaha!!!!
"Sorry Emma. Hehehe" hiyang hiya naman ako. Hahaha 😂
"It's ok! No problem!"
KKKKKKKKKKKKRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!
"Ay Emma una na ako! Babalik na ako sa classroom! Bye!!!" paalam ko kay Emma sabay kumakaway.
"Oh sure! See yah later! Bye!" kumaway naman siya pabalik saakin at tumakbo na ako pabalik ng classroom.
Habang pabalik ako ng classroom nakasalubong ko si Ellis at nagkabungguan kame at napaupo ako sa sahig. Aray naman! Ang sakit ng pwet ko!
"ARAY!! Ang sakit ahh?? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw ko kay Ellis na walang kwentang nakatayo lang.
"Ikaw ang bumunggo saakin ikaw pang may ganang magalit?! Panget ka na kase lampa ka pa!"
"Aba! Ako pa talagang lampa? Ako pa ang bumangga sayo?! Eh ikaw nga itong nagtetext habang naglalakad eh! Sinong tanga saatin? Diba ikaw? Tss. Walang kwenta!" argh! nakakabanas! Naiiyak na ako!! Ang sakit ng pwet ko tsaka ng kamay ko napang harang ko para di ako masyadong masaktan pero sa kasamaang palad masyadong malakas yung impact ng pagkabagsak ko. Huhuhuhu :'(
"Eh bakit ka tumatakbo?" sabi naman niya
"Nag ring na yung bell eh! Malelate na ako sa next subject ko. Kaya ako tumatakbo!" inis na sabi ko
"Nga pala" alala ko "Bakit mo kinuha yung index card ko kanina?" habang sinasabi ko yun inabot niya yung kamay niya saakin at tinulungan niya akong tumayo.. Aba matinde may pagka-gentleman naman pala tong si Ellis eh. Pasimple pa -.-
"Ah eh...... Kase........"
~~~~~~~~ To Be Continued ~~~~~~~~
Bitin ba guys? Hahaha!!!! See yah guys sa chapter 4 :) Hahaha!! Umiikot na kasi yung paningin ko eh... Sorry guys yan lang kinaya ng utak ko ngayon.. Sorry talaga... :( Babawi ako baka mamaya pag uwi ko or bukas kauwe ko galing school :) Thank you for your support :) LOVE YAH guys!
-Min :)
BINABASA MO ANG
I'm 'No More' Girl?!
Novela JuvenilNagsimula lahat ng ito noong First Week of School. Noong nakita ko siya, agad bumilis ang tibok ng puso ko. At ang masaklap, naging seatmate ko pa. Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. At habang patagal ng patagal, lalong lumalalim. Ngay...