"Helen, talagang hindi na kakayanin ng katawan ko ang magbantay pa kay Guia. Matanda na ako kaya ngayon ay magpapaalam na ako na baka ngayong buwan lang ang huli kong trabaho madam?" Sabi ni Manang Flora sa ina ni Harold na si Helen. Kasalukuyang nasa poder ngayon ng abuela ang bata dahil ang binatang ama ay nasa Italya kasama ang kapatid na si Hector at ang amang si Vlad para bisitahin ang kompanyang humarap sa problemang korapsyon.
"Nanang Flora, sino namang papalit sayo nyan? Wala akong ibang maaasahan na magbantay sa nag.iisa kong apo. Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan ni Harold niyan." Malumanay na sabi ni Helen sa matanda."at ikaw lang din ang gusto ni Guia."
"Bakit naman ayaw ni Harold mag-hire ng mas bata pa para may makasabayan ni Guia. o di kayay mag-asawa na lang. Hindi sa nakikisawsaw Helen pero madalas na naghahanap ng ina ng bata. Lagi nitong sinasabi sa akin bakit siya iniwan ng mommy niya. Panahon na siguro para mag-asawa na yang si Harold." Helen, yan ang tawag ni Manang Flora sa amo niya. Dating yaya ni Harold at Hector si Manang Flora at mas matanda rin siya sa buong bahay kaya tinawag siyang Mayordoma.
"isa pa yan. May tandang ba raw na nag-aasawa? Pareho lang sila ni Hector. Hindi sila katulad ng ama nila na pagka-graduate sa college naku, nagpakasal kami kaagad kahit graduating pa lang ako nung time na yun. Pero silang dalawa ayun parang nag-contest na sinalihan lang." halakhak ni Helen. "Haish alam mo naman yang anak kong ai Harold, yun ayaw niyang tinuturuan ng mga asal na hindi maganda itong bata. Madalas kasi ng mga youngster ngayon makakilos ay hindi na mga refine kaya approve na approve siya sayo since ikaw anh yaya niya rin noon. Ikaw na kasi ang nakalakihan ng bata, at mahilig ka naman sa bata. Yang kamalditahan ni Guia ay talagang walang magtitiis na yaya nuh? Sobrang nagmana ang ugali sa ama nito."
"Ito'y aking suhestyon lamang, may kilala ako sa aming lugar na mahilig sa bata. Wala itong trabaho sa ngayon dahil pa.raket raket laman ang batang yun dahil hindi ito nakapagtapos ng high school. Ano kaya kung subukan mo siya kahit man lang ilang linggo o araw at sinisiguro ko sayo na magugustuhan siya ni Guia dahil mabait ang batang yun. Yung magkapatid na yun ang madalas maasahan namin ni Bening. Gusto ko pang magpahinga ng kahit man lang ilang buwan kung papayag kayo dahil sa arthritis ko." Nanlumo naman si Helen habang tinitigan ang namamagang kamay ng matanda.
"Kawawa ka naman. haish, Ilang taon na yang tinutukoy mo?"
"Yun nga lang bente dos anyos pa nga lang. Pero habang wala pa si Harold ay bayaan nyo munang kilalanin nyo yung batang yun habang naghahanap kayo ng mas matanda na nasa agency." Sagot ni Flora.
"Sige dalhin mo siya dito ng maaga bukas o sa makalawa. Iiwan mo muna si Guia sa akin at umuwi ka sa bayan mo at oobserbaran ko ang kilos ng nire. Recommend mo habang naghahanap ako ng medyo may edad na. Alam mo naman si Harold, ayaw na ayaw sa mga dalaga pa at baka landiin siya. Kahit naman type rin nitong landiin. " Sabi ni Helen sabay hagikhik at tumawa na rin si Flora sa kapilyahan ni Helen.
"Sige tatawagan ko si Bening ngayon at sasabihin kong uuwi ako ngayon sa amin."
"That's good idea Manang. Hala na't kumilos ka na para hindi ka maiwanan ng bus mo." sabi ni Helen. Dito sa mansion ay wala namang ibang madalas kasama ang ginang kundi ang apo lang at si Nanang Flora na kasalukuyang yaya ni Guia.
Nung araw din na yun ay umuwi siya para makita at makausap si Aya. Isang oras din ang byahe niya dahil madalas ang hinto ng sasakyan. Isali mo ang traffic sa daan.
"BEning, si Aya? Sinabi mo ba sa kanya na may sadya ako sa kanya?" Tanong ni Flora nang makaupo na siya.
" Nakaalis na. Pero uuwi rin yun kaagad kapag naubos na ang paninda nito. Sinabi ko na sa kanya na uuwi ka at may sadya ka sa kanya. Heyo at uminom ka muna ng tubig ate."
BINABASA MO ANG
Wanted: Nanny (For Edit)
RomanceHarold . Isang binatang galing sa mayamang angkan ng mga Salvador-Cardone. Ugaling mainitin ang ulo, madaling mapikon, palamura, lahat na lang yatang masamang ugali meron, at lumala ng iwan ng dating kasintahan na si Zandra Buenavides dahil sa isang...