03 (edited)

24.1K 703 21
                                    

Aya's POV

Nakasuot na ako ng uniporme ko na kulay pink. Ang cute may mga drawings pa. Nakangiti akong tumingin sa harap ng salamin. Kahit salamin sa bahay nato ay alam mong puro mamahalin at hindi galing sa divisoria. Tinignan ko ang kabuohan ko na naka-uniform. MArami akong uniforms at kada araw ay iba ang susuotin ko. Ang ganda talaga e. May dalawang sapatos pa ko na kulay puti. grabe ang yaman talaga nila.

"Good morning Maam Helen." bati ko kaagad ng makita si Maam.

"Kasya naman pala sa katawan mo, Aya. Hmm, ang payat payat mo kaya Kumain ka dito ha wag kang mahiya." Sabi ni Maam Helen ng makalabas na ako ng silid namin at nakasalubong ko sa corridor. Naka. Ponytail ang buhok ko at naglagay rin ako ng kunting pulbo na bigay ni Manang Flora at kunting lip balm.

"Salamat po Maam." ngiting sabi ko. Inaamin ko talagang nangangatog ang tuhod ko dahil natatakot na baka magkamali ako sa trabaho ko at jusmeyo ang bahay este mansion nila. Sobrang ganda naman.

"Magandang bata ka hija. You look very young. Ilang taon ka na?"

"Twenty two po."

"bagay kang maging model or brand endorser."

"Salamat po madam."

"Come with me." sabi niya at sumunod naman ako sa kanya paakyat sa ikalawang palapag ng bahay este ng mansion nga.

"Kibale, naghahanap pa ako ng baguhang nanny ng apo ko. As for the time being na andito ang apo ko ay ikaw muna ang magiging yaya ni Guia. Harold will not allow to have a very young nanny like you sa bahay nito. Kapag uuwi na ang anak ko, dito ka na lang mamasukan para may trabaho ka pa rin. Kukunin kitang kasambahay. Sayang naman ang beauty mo na tinatago mo lang sa bahay mo." Sabi nito.

"Maraming salamat maam." wala akong ibang masabi kundi magpasalamat sa kanya at sa pamilya niya. Bakit ba ang bait ni Maam Helen. Kinakabahan naman ako sa sinabi ni Manang Flora na masungit ang anak nito na pinaglihi sa sama ng loob daw.

Kakayanin ko para kay Gohan ang lahat. May pang-aral lang kay Gohan, magtitiis akong mapalayo sa kapatid ko. Unti-unting sumilay sa akin ang luha kaya kaagad ko iyong pinahid. Miss ko na ang kapatid ko. Di bale, kapag nagkasahod na ay ipapasyal ko kaagad ang kapatid kong yun.

"Nasaan po ang babantayan ko maam?"

"oh she's on her room. Si MAnang Flora na ang bahala sa gagawin mo sa apo ko ha? Every morning routine to everything. Her time schedule sa tutor niya. You can ask Manang Flora dahil alam naman na niya ang gagawin. Okay?"

"Okay po. Gagawin ko po ang lahat para sa apo niyo po.. Papasok na po ba ako Maam Helen para makilala ko si Guia."

"Oh sige. Andun na si Flora. Aalis rin naman ako para bisitahin ang kompanya at tatawagan ko rin si Harold maya-maya to inform that Guia's having a temporary nanny. Medyo matagal pa kasing uuwi ang batang yun so I hope that you'll get along with my granddaughter.."

"sige po maam. Makakaasa po kayo. Mag-iingat po kayo maam.." sabi ko at tumalikod na ang sopistiskadang ginang at bumaba na sa Ground Floor. Shit, ang gandang babae naman yun. Mukhang nasa early thirties pa si maam.

______________________________________

Sumilip ako sa isang kulay pink na pinto. May nakasabit pa dun na Guia's Room.

"Really nanang? I have a new nanny? Where is she? Is she old?"

Napangiti ako sa boses ng bata na kasalukuyang nakatalikod sa gawi ko. Naka. Whole dress ito, maputi ang balat nito at kulay itim na itim ang buhok na umaalon alon pa ang natural nitong buhok. Kasinlaki na siguro nito ang namatay kong baby. My baby boy.

Wanted: Nanny (For Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon