CHAPTER 1 THE BEGINNING

709 63 53
                                    

•2018 by JinShane. All rights reserved.

Date started August 2018

Plagiarism is a crime●

Alexa POV

"Miss, your breakfast is ready."biglang umalingawngaw ang boses ni yaya mula sa labas ng kwarto ko.

Oh sheet first day of class!

Dali-dali akong napatayo sa kama saka tumakbo papuntang banyo at agad ding nagbihis pagkatapos maligo.

Tinignan ko ang sarili mula sa salamin at napangiti ako habang tinititigan ang sarili.

"Im done here!"magiliw kong bulong saka kaswal na lumabas mula sa kwarto ko.

Halos matumba ako nung biglang pagbukas ko ng pinto ay biglang may tumalon sa harap ko papayakap sa akin dahilan para mapaatras ako at halos matumba dahil sa gulat at bigat niya.

"Bwesit ka! Yesh!"malakas kong sigaw habang nagtatalon-talon sa inis.

Bigla siyang humiwalay sa akin saka tinakpan ang magkabilang tenga at nakapikit na lumayo sa akin, naririndi.

"HAHHAHAAH!"biglang nag-init yung ulo ko nung madinig ang nakakaasar niyang tawa.

Swear sa lahat ng taong nakilala ko siya lang ang kilala ko may ganung klaseng tawa ng sobrang lakas at kakaiba, na kahit sino ay madadala sa tawa niya pero hindi ngayon dahil inis ang nangibabaw sa akin.

"Ang sakit nun ah, di nakakatuwa." seryoso kong sabi saka umaktong galit at nangunang umalis.

Nadinig ko siyang biglang sumunod sa akin at bumulong-bulong ng hindi ko maintindihan for sure nagpapacute na naman yun.

Pasimple siyang nagpapacute habang sunod ng sunod sa akin habang pababa ng hagdan.

Agad na tumungo ang mga maid nung makita ako pero hindi na ako nag abala na pansinin sila dahil wala na ako sa mood.

"Mhmmm, Yesha is sorry!"dinig kong sabi ni Ayesha sa nagpapacute na paraan saka parang batang kinalabit ako.

Liningon ko siya at mas lalong nainis ako nung paglingon ko ay nakapout siya at sinadyang ipakita yung dimple niya

Ughhh! She's so cute but naiinis ako eh!

Bigla siyang ngumiti nung makitang naging effective yung pagpapacute niya saka ako inakbayan.

"Beh, okay na, wag kana magalit."kaswal niyang sabi saka ginulo yung buhok ko sa mismong kamay na nakaakbay sa akin.

Tinarayan ko siya saka padabog na inalis yung kamay niya sa balikat ko at natawa ako nung umarte itong nasaktan at namilipit sa sakit.

Napailing nalang ako sa kalokohan niya saka siya iniwan at nagtungo ako sa dining area.

Napangiwi ako nung makita kung gaano kadami yung pagkain sa mesa pero binalewala ko nalang ito saka sinimulang kumain. Kumuha ako ng steak at Juice.

"Masarap ba--"

"Sheettt!"gilalas ko nung mahulog yung fork at kinakain ko dahil sa gulat nung biglang dumungaw mula sa likuran ko si Yesh.

Bigla siyang tumawa ulit saka dumampot ng tissue at nilagay sa bibig ko at saka siya umupo sa tabi ko.

Inis akong kinuha yung tissue na dumikit sa bibig ko at masama ang tingin sa kanya habang pinupunasan ko yung sauce sa gilid ng labi ko.

"Beh, masarap ba? I asked you kanina eh, di ka pa sumasagot." biglang tanong niya ulit habang tumatango-tango nung tikman niya  yung pagkain.

Napasinghap ako saka sinimulan ulit kumain. "Bakit ikaw ba nagluto?!" tanong ko.

Secret Kingdom University  l  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon