Chapter 4

148 49 10
                                    

Jin POV

"She's back."Anunsiyo ko saka nilahad yung cellphone ko sa tauhan ko. "Milady is back..."nakangiti kong usal saka hinarap ang mga nilalang na nakahilera sa aking harapan at seryoso at puno ng galang na nakatingin sa akin.

Sabay-sabay itong tumungo saka parang animo'y mga sundalo na nagmartsa papalabas.

I smiled. "Maligayang pagbabalik, milady..."

"We should celebrate."ngiti ko saka nilingon ang tauhan ko na nasa gilid.

Tumungo ito. "Masusunod, Ms. Jin"

Alexa POV

Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko habang nasa kamay ko yung cellphone ko.

Bigla itong nagring dahilan para natutulira akong sinagot iyun. "H-hello?"nauutal kong sagot.

"My dear! So you're okay?! Ahh im so happy baby!! im sorry. Iniwan ka namin may emergency kasi dito eh."bigla akong napangiti sa boses niya dahil bagaman hindi ko ito nakikita ay nasisiguro kong nagpapacute ito.

"Mom, it's okay. Im super okay na mommy. No need to worry."sinsero kong sabi.

Dinig kong napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Okay, okay baby. Please take care, I need to go bye I love you~~"

"Mmm love you too Mo--toot."inis akong napalingon sa cellphone ko Aissh!

Binabaan ako agad seriously Mom?

Napairap ako saka umupo sa sofa.

Natulog ako ng ilang araw, so what happened na sa school after ng incident? Inimbestigahan ba nila? What's the result?

Should I ask her? Yesha?

Kapag hindi niya pa din ako sinagot ng maayos I swear hindi ko na talaga siya papansinin hmp.

Napangiwi ako saka sumandal sa sofa. "Maybe magsosorry mo na ako then I'll ask her."napatango ako saka dinial yung number niya.

"Bwesit! Bakit out of coverage? Are you kidding me?!"Aissh! Dahil sa inis ko ay naitapon ko yung cellphone ko sa kung saan saka ako lumapit sa kama at humiga.

"According to Miss Sandy, magpahinga na muna ako. So maybe I should do that"

Im tired.

Pinikit ko yung mata ko hanggang sa dalawin ng antok...

Nagising ako sa sunod-sunod na ring na nadinig ko.

It's too early for that!

Inis akong napatayo at hinanap ang pinanggalingan ng tunog na iyun habang nakapikit pa yung isa kung mata. Napaluhod ako habang ang mga kamay ko ay hinahanap yung cellphone ko na noon ay nasa carpet na.

Inis akong tinignan iyun. "Sino ito?"angil ko nung makitang number lang yun. Napairap ako saka sinagot iyun. "Mmm? Who are you--"

"Beh, im sorry--"agad kong nailayo yung cellphone ko saka ulit tinignan yung number.

Hindi ito number ni Yesh.

Nalilito akong ibinalik yung cellphone sa tenga ko.

"Beh, andiyan ka pa ba? Beh, im so sorry."biglang lumambot yung puso ko nung madinig kung gaano ito kalungkot.

Aaaahhh I miss my cute puppy Ayesha.

Nagkunware akong galit. "Ba't ka napatawag ng ganito kaaga? Then your number bakit iba?"

"Eh? Beh, may pasok ngayon! Don't tell me wala kang balak na pumasok? Naku ilang araw kang tulog! Marami kang hahabulin! And isa pa beh, nawala yung phone ko eh."huminga ako ng malalim.

Secret Kingdom University  l  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon