Chapter 8 Kevin

97 32 9
                                    

Alexa POV

Pagkababa ko ng sasakyan ay ramdam ko na agad ang mabigat na pakiramdam, alam kung ako ang pinaghihinalaan ng lahat dahil sa nangyare sa mga nangbully sa akin.

Nabalitaan ko kay Ayesha na lahat sila ay natagpuang sugatan, at bugbog sarado na natagpuan di kalayuan sa school namin.

Napatingin ako sa paligid at lahat ay agad na nag-iwas ng tingin at takot na takot na umiwas. Halos lahat ng nakakakita sa akin ay lumalayo at napapayuko sa takot.

I don't know anything about it!

Masama ang loob na pumasok ako at nagtaka ako nung bakit lahat ay tila imbis na papasok ay papalabas ang mga landas nito.

What's going on?

"H-hey ahh the Dean told us to go home."halos mapatalon ako sa gulat nung sumulpot ito sa kung saan.

Shan...

Nilingon ko siya at agad itong nagbaba ng tingin.

Hindi siya takot sa akin? I really couldn't imagine Shan na gumawa nun sa akin. I mean she's nice or this part of her plan?

"Ahh..."tumatango-tango kong usal saka huminga ng malalim. "Aren't you scared of me?"seryoso kong tanong.

Sinalubong nito ang mga tingin ko at ngumiti ito ng sinsero. "Why would I? Alexa, hindi mo yun magagawa. I mean you're even scared na makapanakit--"

"What if kung ako nga? Will you stay?"agad kong tanong.

Is she being honest? I can see how sincere she is but im scared na baka part lang to ng plan niya.

"No."sagot niya.

"Makes sense---"

"Because it's not you. Why would I stay kung alam kung hindi ikaw ito? And now im staying here dahil this is you."diretsa niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Napayuko ako sa narinig ko.

Shan... Why?

I don't understand bakit nahihirapan akong maniwala kahit sinsabi ng puso ko na totoo yung sinasabe mo.

"Can we talk?"wala sa sariling usal ko saka tinalikuran siya hindi na hinintay ang sagot niya.

Naglakad ako papalayo saka huminto sa ilalim ng puno at hinintay siyang makalapit.

"We have no class for 3 days, iniimbestigahan nila ang nangyare."usal ni Shan nung makalapit.

Psh nung nangyare sa amin hindi manlang binigyan ng pansin!

Maari bang ang gumawa nun sa kanila ay siya ding  gumawa nun kela Ayesha?

"Lex?"bumalik ako sa huwisyo nung tinapik ako nito sa braso.

Bumuga ako ng hangin saka napapalunok siyang tinitigan. "Shan, tell me the truth ikaw ba yung nagbigay kay Fiona nung video?"pahina ng pahina kong tanong.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla siyang natawa ng naiinsulto. "Lex what? Are you kidding me? Why would I do that?"galit niyang tanong saka siya napanganga hindi makapaniwala.

So base sa kanyang reaction she seems clueless but, there's evidence.

"Ikaw yung pumulot ng phone ni Ayesha---"

"So what? You're nonsense!"giit niya saka nagpalakad-lakad sa harap ko. "Ah I remember. Yes so what?"bigla niyang sabi saka ako hinarap.

"Ikaw and si Quen ang suspect ko."

Secret Kingdom University  l  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon