CHAPTER 3 Confusion

177 58 23
                                    

Alexa POV

"please help me, somethings weird here! Please beh, faster!"

Natataranta kong dinial yung number niya dahilan para magkandahulog-hulog yung phone ko sa kaba at maging ang mga kamay ko ay nanginginig na sa takot.

Wala sa sariling nahampas ko yung kamay sa may pinto nung maramdaman kong paandar na yung sasakyan.

"Wait. Don't leave yet!"natataranta kong sigaw dahilan para magulat ito at tumango saka pinarada yung sasakyan.

"Beh, answer the call!"inis kong sigaw saka dinial ulit yung number niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, natatakot ako ng sobra dahil kahit kailan hindi pa ako nakareceive ng ganoong text messages na galing sa kaniya.

"What the fuck! Beh! Where are you?"sunod-sunod kong sigaw nung sa wakas ay sagutin niya yung phone niya.

"B-beh, n-nasa likod n-ng building, be help--"

"BEH!!!!"sigaw ko saka nabitawan yung cellphone ko.

"Miss are you okay--"

Natataranta akong lumabas ng kotse at dinig ko ang paghabol ng driver ko sa akin pero hindi ko na iyun pinansin pa.

Walanga habas akong tumakbo pabalik sa loob ng school at di pinansin yung mga nabundol kung studyante o kahit pa minsan ay natumba ako ay ininda ko yung sakit na nararamdaman.

Napahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam pero sobra akong natatakot sa maari kung makita.

"Quen?!"gulat kong usal nung pagliko ko papunta na sana sa likod nakita ko si Quen na umiiyak habang patumba-tumba na tumatakbo.

Nagulat ako nung makita kung gaano karaming pasa ang nasa paa niya at magulo na din ang buhok niya.

"Help me Alexa..."pagmamakaawa niya. Agad akong lumapit saka yumuko at sinipat siya.

"Hey, hey what happened? Where's Ayesha? Kasama mo ba siya huh---"

"AAAHHH it hurts please call some help.."bigla niyang sigaw saka napahiga.

Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. "Quen, I need to find Ayesha, babalikan kita ah stay here for awhile--"

"No! Help me first!"natigilan ako nung isigaw niya yun. Maging siya ay nagulat sa inasta niya saka ito napayuko at napagulong dahilan para mas mag-alala ako. "Please help me..."biglang tumulo yung mga luha ko sa hindi malaman na gagawin.

Pero nagliwanag yung mukha ko nung madinig ang sunod-sunod na sigaw.

"Miss Alexa? Nasaan po kayo--"

"I'm here!!"tumayo ako saka hinarap yung bodyguard ko na noon ay nagulat ng makita si Quen. "Help her, may pupuntahan lang ako, tumawag ka ng ambulance or what basta help my friend."nagugulat akong napatingin sa paanan ko.

Nakahawak yung kamay ni Quen sa paa ko at umiiyak akong tinitigan. "Please Alexa help me..."

Bigla akong nakaramdam ng guilt but I need to help Ayesha too. Ngumiti ako sa kaniya. "You'll be fine, trust me."paninigurado ko saka sinenyasan yung driver ko saka patakbong umalis dahilan para mapabitaw si Quen sa akin.

Im really sorry.

Mas binilisan ko pa yung pagtakbo papunta sa likod ng building. It's really nice timing huh! Kung kailan wala ng tao sa paligid lalo na sa area na ito.

"Aaahhhh"daing ko nung napatid ako sa bato dahilan para madapa ako at magpagulong-gulong sa damuhan.

Ang sakit! Bwesit!

Secret Kingdom University  l  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon