Simula
Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula ng matapos ang klase. Ibig sabihin malapit ng mag-umpisa ang susunod na pasukan at heto ako naguguluhan, mag-aaral pa ba ko o hihinto nalang? Chos, syempre hindi pwede yung pangalawa baka idisown ako ng mga magulang ko pag ginawa ko yun. Nahihirapan lang talaga akong magdesisyon; una, kung lilipat pa ba ko ng paaralan o kung mananatili nalang sa dati at pangalawa, kung anong strand yung kukunin ko.
Kung mananatili ako sa dati kong school hindi na ako mahihirapang mag-adjust sa environment dahil sanay na ako sa mga activities at rules. Pero kasi gusto ko na ring lumabas sa tinuring kong comfort zone. Sa apat na taon na pamamalagi ko sa paaralang iyon, nawawalan na ng thrill ang bawat pagpasok ko. Ayoko pa naman ng ganun. Gusto ko palagi akong ganadong pumasok. Tapos kapag naman lumipat ako siguradong mahihirapan naman ako sa pag-adjust at talagang maninibago ako. Gaah. I have so much in my mind, nakakapagod mag-isip.
Ilang araw ko ng tinitimbang ang mga rason at dahilan kung bakit lilipat ako at kung bakit hindi. Kahit saan lang naman daw ako mag-aral susuportahan parin ako ng mga magulang ko dahil alam nilang mag-aaral ako ng mabuti, at alam nilang hindi ko sila bibiguin.
"Kleiyah! Bumaba kana jan! Maghahapunan na tayo!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Mama.
"Oo, ma! Saglit lang!" sigaw ko pabalik.
Bumangon na ako. Hindi ko na namalayan ang pagdilim ng paligid dahil masyado akong nalunod sa aking mga iniisip. Sinuot ko na ang aking tsinelas, lumabas sa kwarto at bumaba na.
Maliit lang ang bahay namin although may second floor. Kasya lang para sa aming pamilya. Sa first floor yung sala, kitchen, dining at may isang banyo. Habang sa second floor naman may tatlong kwarto, akin, kay Kuya tsaka yung kila Mama, tappos bawat kwarto may banyo para hindi kami mag-agawan.
Pagdating ko sa dining nandoon na sina Mama, Papa, at Kuya. Kaya pala napasigaw si Mama, ako nalang pala hinihintay. Pagkaupo ko, nagsimula ng magdasal si Papa.
Ganito parati sa bahay hindi pwedeng hindi kumpleto tuwing hapunan dahil para kay Papa ito nalang daw ang oras para makapag-usap kami. At tama siya dun, masyado silang busy ni Mama tuwing araw kaya kaniya-kaniya na rin lang kami ni Kuya tuwing agahan at tanghalian. Si Papa nagtatrabaho bilang Electrical Engineer sa MERALCO samantalang si mama naman ay may maliit na grocery store na minamanage sa labas ng village namin.
Pagkatapos ng dasal nagsimula na kaming kumain. Kumuha ako ng kanin at ulam. Nakailang subo na ako ng biglang napatanong si Papa,
"Lei, anak, nakapagdesisyon kana ba kung san ka mag-aaral?"
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot."Hindi pa nga po, pa. Pinag-iisipan ko palang po."
Napatingin si Mama sa akin ng nakakunot ang noo.
"Aba, Lei, malapit ng mag-umpisa ang enrollment." aniya.
"Yun na nga po ma, eh," sagot ko.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na ulit kumain.
"Kung ako sayo, Lei, wag ka nalang lumipat para magkasama parin tayo ng school," biglaang singit ni Kuya.
Oo nga naman, ano? Kaso last year niya na sa senior high at gagraduate na rin naman siya. So, pag-graduate niya maiiwan pa rin niya ko dun. Hays.
"Anak, may nakapagsabi sa akin na maganda daw ang Accountancy doon sa pinagpipilian mung lipatan na school. Kaya pag lumipat ka dun ngayong Senior High hanggang College doon kana din," saad ni Papa.
Accountancy? Hindi naman talaga yun ang gusto kong kurso eh. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na naisatinig.
"Ganun ba, pa? Pag-iisipan ko nalang po ulit," tanging sabi ko.
"Dapat lang, Lei. Baka mahuli ka sa enrollment," ani Mama.
Tumango nalang ako at tinapos na ang pagkain. Nang natapos na kaming lahat niligpit ko ang aming pinagkainan at nilagay sa lababo. Ako ang maghuhugas ng mga ito ngayong gabi, pabor din naman sa akin ito dahil makakapagisip-isip ako.
Sinimulan ko ng maghugas at magmuni-muni.
Kung Accountancy ang kukunin kong kurso sa kolehiyo, kailangang Accountancy, Business and Management o ABM ang kukunin kong strand ngayong Senior High. Kakayanin ko kaya? Hindi pa naman ako masyadong magaling sa Mathematics. Balita ko kasi madami daw Math sa ABM. Baka mabaliw ako dun, its an overstatement pero di ko sure baka ganun talaga ang mangyari.
Ang gusto ko talagang kunin ay Humanities and Social Sciences o HUMSS dahil ang gusto kong kunin na kurso sa kolehiyo ay Education. Yep, gusto kong maging guro at magturo. Kaso ayun nga, kahit hindi sabihin ni Papa ng diretso sa akin alam kong gusto niya kong maging Accountant someday. Sinasabi lang nila na kahit ano piliin ko susuportahan nila ako pero alam ko na sa isip nila may plano na sila para sakin.
Ayokong madisappoint sila sakin, all my life I've been exerting much effort in school the reason why I always excel in my class. Gumraduate ako bilang Salutatorian noong Elementary at With High Honors ngayong pagtatapos ko sa Junior High School. I also received various awards and won a lot of contests. All of this is because I think Im born to make everyone proud and thats where I was wrong.
I'm living, not my life, but other's expectations from me. Yes, those recognition, certificates and medals makes me happy but it was all short-lived. I want genuine happiness and calmness, the ones I feel when Im writing, when Im doing the things Im passionate about.
But its just too difficult to choose myself and turn my back on the people that expects so much from me. I really hate disappointing statements from them. I guess I really am willing to do everything para hindi masira ang image na nabuo ko sa kanila. Even if that means turning my back on my own passion, on my own happiness.I love my family so much that no matter what they say, I will always obey and respect them. So, I've decided. I'll take ABM and transfer to that school.
I pray so bad that I won't regret this.