Truth
Pumasok kami ni Elize sa isang sikat na fast food chain malapit sa school. As expected, halos lahat ng customer eh schoolmate namin. Ito lang kasi yung pinakamalapit na kainan sa school.
“Ako nalang mag-oorder, Lei. Hanap ka nalang ng vacant na lamesa,” suggestion ni Elize.
“Sige. Kung anong order mo yun na rin sa’kin. Ikaw na bahala maghanap kung saan ako umupo,” sagot ko at iniwan na siya para maghanap ng bakanteng mesa.
May nakita naman agad akong pang-dalawahang mesa malapit sa bintana kaya doon na ako dumiretso at umupo.
Napansin kong medyo malayo pa si Elize sa counter kaya nag-facebook nalang muna ako. Nang nasawa ako kakascroll at react sa mga post tinago ko nalang yung phone ko at inayos sa isip ko yung mga gusto kong itanong kay Elize mamaya.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nilapag ni Elize ang isang tray na may laman ng mga inorder niya. Inayos namin sa mesa yung mga pagkain at nagsimula ng kumain.
Tahimik lang si Eli na kumakain ng napagdesisyunan kong tanungin na siya.
“Nga pala, Elize. Sino yung mga lalaki na galing sa room niyo kanina?” pauna kong tanong.
“Ah, yun ba? Classmates namin sa isang subject,” sagot niya.
“Ha? Eh bakit ngayon lang sila pumasok? Wala sila last week diba? At tsaka anong subject?” naguguluhan kong tanong.
Tumigil muna si Elize sa pagkain at bumaling sa’kin
"Curious na curious, ah,” nang-aasar niyang sambit.
Tinignan ko nga ng masama. Fine, curious na ko.
“Ganito kasi yun, Lei. Bago mag-start yung klase namin sa Practical Research kanina, pumasok sila sa classroom kasama si Sir Calixtro. Nalula kami, girl. Siyempre ang gagwapo nila, ang babait pang tignan kaya ayun pigil na pigil ang tili at kilig na nararamdaman namin kasi alam mo naman si Sir, takot na lang namin sa kanya diba. Tapos ayun sabi ni Sir, makakasama daw namin sila sa subject na niya dahil sa second semester pa ang research ng HUMSS, kung saan sila dapat kasama, at kailangan nilang mauna dahil maiiba ang schedule nila sa susunod na sem. Iba kasi ang curriculum nila kesa sa atin,” mahaba niyang paliwanag.
“Eh bakit ngayon lang sila pumasok? Second week na ng klase, ah,” tanong ko ulit.
“Madami pa daw silang inaasikaso, eh,” kibit-balikat niyang sagot at nagpatuloy na sa pagkain.
Patuloy lang din akong kumakain.
"Kung schoolmate natin sila, bakit iba ang suot nilang uniform?" walang katapusan kong tanong.
"Nakita mo sila nung orientation, diba? Tinuro mo pa nga sila. Bakit dun pa lang di mo ko tinanong?” balik niyang tanong.
"Tinanong kaya kita. Kaya lang kulang nalang maghyperventilate ka sa kilig. Alam ko namang kapag nasa ganoong state ka hindi kita makakusap ng matino," sagot ko.
"Ay, talaga? Hindi ko na maalala. Masyado akong nakecarried-away tuwing seminarians ang pinag-uusapan," pangiti-ngiti niyang sambit.
Masyado talagang madamdamin ang babaeng ‘to. Pero, ano daw? Seminarians?
"Seminarians?" kunot noo kong tanong.
"Yes, Kleiyah! Nakuha mo! Seminarians, our future Priests," binitawan niya pa ang kanyang mga kubyertos at nag-action na parang nananalangin.
Hinampas ko nga. Baliw talaga.
"Aray, Lei! Ang sadista mo talaga!" reklamo niya pa at nagpatuloy na sa pagkain.
"Tumino ka kasi!" natatawa kong sambit.
"Matino naman ako, ah! Ikaw na nga kinukwentuhan jan, ikaw pa nananakit," nag-pout pa ang bruha, akala mo naman kinacute niya.
"Seryoso nga kasi Eli? Seminarians sila? As in? Tulad kay Sir Meo?" ng sinambit ko ang pangalan na iyon bigla siyang napatili.
Dali-dali kong tinakpan ang bibig niya dahil pinagtitinginan kami ng mga nasa kabilang table. Sinasabi ko na nga bang mali ang banggitin ang pangalan na iyon sa harap niya!
Every time naririnig niya ang pangalang iyan, bigla nalang siyang napapatili. Ang lakas ng tama.
Si Sir Meo ay substitute teacher namin sa subject na Araling Panlipunan noong grade 10. Malakas ang charisma ni Sir, gwapo, maputi, maganda ang katawan kahit hindi katangkaran kaya hulog na hulog ang puso nitong best friend ko.
He was a seminarian. Fresh graduate siya ng nagturo siya saamin. He said na each of them is given a year break, then nasa kanila kung babalik pa ba sila para ipagpatuloy ang sinimulan nila para maging ganap na pari or they won't. He told us na he won't go back because he wants to marry and have his own family.
So specifically, Sir Meo is the first seminarian I had encountered and I never thought that I would encounter a lot of them now. I didn't expect na St. Lorenzo is housing seminarians. All I know is that it's a Catholic School.
Ugh. Of course Kleiyah! It's a Catholic School so it is possible!
Tumigil rin si Eli kakatili nang kinuha ko ang aking palad sa bunganga niya.
"Oo, girl! Katulad ni Sirlabs!" patili niyang sambit.
Ginawan pa talaga ng nickname si Sir eh. Uminom siya ng tubig habang pinapaypayan ang sarili.
Napailing-iling nalang ako sa kabaliwan ni Elize.
"Oh, ano? Nawakasan ko na ba ang curiousity mo?" tanong niya ng matapos na kaming kumain.
"Yes, kahit papano may nalaman ako," sagot ko
Uminom ako ng tubig at inayos na ang pinagkainan namin para hindi na mahirapan yung crew na maglilinis ng table.
"Basta, Lei. Mag-ingat ka, baka mahulog ka sa isa sa kanila, marupok ka pa naman. Hindi pwede, bawal," seryoso niyang sambit.
"Bat ako, Eli? Sabihin mo yan sa sarili mo! Ikaw ang halos humandusay sa kilig tuwing pinag-uusapan sila," natatawa kong sambit.
"I know my limitations, alam mo namang hanggang crush lang ako diba? Never akong magcocommit. Ikaw talaga ang inaalala ko, iba ang tinginan niyo ni Rio kanina eh feeling ko may something," patuloy niya pa.
"Malisyosa ka talagang babae ka! Nagkatinginan lang may something agad? Hindi ba pwedeng nacurious lang sa isa't-isa?" sabi ko habang hinahagilap ang cellphone sa bag para tignan kung anong oras na.
"Naku! Sa tinginan nag-uumpisa ang lahat, Kleiyah!" aniya.
"Bahala ka na nga sa mga iniisip mo! Balik na tayo sa school," yaya ko sa kaniya ng makita na malipat ng mag time.
Hindi na siya nagsalita, kinuha niya lang ang bag niya at tumayo, ganun din ako. Nang nakalabas na kami nagsalita ulit siya.
"Seryoso kasi, Kleiyah, mag-iingat ka,"
"Ano ba yan, Elize. Pano ako mahuhulog eh hindi ko nga nakikita ang mga yun? Feeling ko nga bawal din silang lapitan. Kaya ang labo, Eli, masyadong malabo. Tsaka diba sabi ko pahinga muna ako sa pag-ibig na yan, uunahin ko muna pag-aaral ko," naiiling kong sagot.
Totoo naman kasi, sinong mahuhulog sa taong hindi mo naman madalas nakikita?
Sinong mahuhulog sa taong hindi mo naman nakakausap?
Sinong maglalakas loob mahulog sa isang taong alam mong ang landas na tatahakin ay katulad kay Jesus?
Diba wala?
Crush siguro pwede pa, pero ang mahalin?
Magmahal ng isang seminarian?
Naku, malabo. Napakaimposible.