Cousins“Kleiyah, pahiram naman ng handouts mo sa Organization and Management. Wala dito sa bag yung akin,” si Rainey.
Binabalik na niya ang mga gamit niya sa loob ng kanyang bag dahil kakatapos lang niya itong halungkatin para mahanap yung handouts.
I took mine out of my bag at inabot sa kanya.
“Ang burara mo talaga, Rai. Baka kung saan-saan mo nanaman nilagay,” pagsermon ko sa kanya.
Sa isang buwan naming magkaklase at magkaibigan yun ang napansin ko sa kanya. Hindi siya maingat sa mga gamit niya. Ilang beses na siyang nanghiram ng handouts dahil naiwala niya yung sa kanya.
“Sorry na, hindi ko naman sinasadya eh. Nakalimutan ko lang talaga.”
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pag-scroll sa twitter.
Tapos na ang last subject namin ngayong hapon. Kanina pa ang dismissal namin at kanina pa sana ako nakauwi kung hindi lang naghalungkat ng bag itong si Rainey.
Nag-announce kasi si Sir Aldio, teacher namin sa OM, na may quiz bukas. It’s one of our specialized subjects kaya ayaw ni Rainey na bumagsak. Hinanap niya agad yung handouts niya para sana sure na may pag-aaralan siya. Pero as expected, naiwala niya nanaman.
“Tara na, Klei. Daan muna tayo sa library magpapa-photocopy lang ako tapos uwi na tayo,” pang-aaya niya nang sa wakas natapos niyang ayusin yung gamit niya.
Tumayo na ko at sinuot ang kulay cream kong shoulder bag. Hindi pa rin ako sanay sa ganitong bag pero walang choice dahil bawal gumamit ng backpack ang girls dito sa school. Hindi daw kasi bagay sa school uniform namin.
Fitted checkered green ang skirt namin na may tatlong pleats sa harap. Binagayan ng fitted white buttoned polo na may logo ng school sa left side ng chest area namin. Ang black shoes naman dapat may at least 2 inches na heels. All in all, our uniform is simple yet a bit classy.
Lumabas na kami ng room at dumiretso sa library. Iilan nalang yung tao kaya mabilis natapos si Rai. Binalik niya sakin yung handouts ko.
“Klei, alam mo ba…” nagsimula ng tumalak si Rainey.
Kung ano-anong kinukwento niya habang naglalakad kami palabas ng gate. Sinasabayan ko siyang tumawa at paminsan-minsang dinudugtungan ang mga kwento niya.
Tumahimik lang siya ng napadaan kami sa chapel at nag sign of the cross. Hindi ko alam kung kailangan ba talagang gawin yun. Eh, hindi ko naman ginagawa yun dati.
Noong first week ko kasi dito, tuwing may nakakasalubong o nakakasabay ako na dumaan sa chapel napansin kong nagsa-sign of the cross kasi sila. At ako naman itong si gaya-gaya at ayaw ma-out of place, ginagawa ko nalang din hanggang sa nakasanayan ko na.
“Uy, Lyca!”
Agad namang napakunot ang noo ni Rainey ng marinig niya ang first name niya. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag gamit yun. Lyca Rainey Vilgracia, okay naman na daw yung Rainey bakit pa daw nilagyan ng Lyca. Kaya nung first week inaaway niya yung mga kaklase naming Lyca ang tawag sa kanya. Lakas talaga ng topak ng babaeng ‘to.
Nilingon niya yung tumawag sa kanya. Nawala naman agad yung pagkunot ng noo niya at napalitan ng familiarization. Kumaway siya at nagpaalam sa akin.
Tumango lang ako. Buti nalang hindi pa kami nakakalayo sa chapel, may mauupuan ako. Dumiretso ako sa bench sa harap ni Mama Mary na nasa medyo gilid ng chapel at umupo doon. Tinignan ko kung saan nagpunta si Rainey at napansin kong nandoon siya malapit sa school bus ng St. Lorenzo’s Seminary. Yun yung bus na sinasakyan ng mga seminarians papunta dito sa school at pabalik sa seminary kung saan sila tumutuloy.