[ Xandra Kate Delos Reyes POV ]
As we arrive at our Orientation room, wala ng tao. And both Crystal and I have asked a few people if tapos na ba ang kaganapan sa room and they answered '' yes'' and that we should go find na our respective room. May tinuro silang bulletin board indicating which room, which courses, and which section we should to.
Hinanap naming ni Crystal kung asaan ang room namin.
I am from section two and second year. Ayun ang hinahanap ko. And kung minamalas nga naman, my room is on the fifth floor! Prone pa naman ako sa pagiging late, ang sad that every morning kailangan kong tumakbo sa ganon kataas na building, fvck! Or may elevator naman siguro? Pero lalakarin ko na lang para exercise!
"Oh paano ba yan, Crystal? This is where we part ways," I chuckled.
"Same building naman tayo eh kasi same year, different floors nga lang. Tapos ang lawak pa ng building na 'to." We both laugh. Kasi hindi pa pala kami tapos sa pag ka amuse sa school na 'to.
"So what floor is your room on?" I asked.
"Second,'' pagkatapos tumawa siya.
"Oh edi wow!" Naiinis na sagot ko, pero tumawa lang siya.
"O siya, bye na!" She said, pero hinila ko naman ang kamay niya.
"Gaga! Eh sabay naman tayong aakyat, mamaya ka mag-bye, duh!" Ani ko, sabay hila sa kanya paakyat.
Habang naglalakad eh pareho kaming busy sa mga pagkain naming tapos unting chika ganun.
And since sa second floor lang naman siya at nahanap niya na kung saan ang room niya ay iniwan ko na siya doon. Hays, bakit kasi siya lang kilala ko dito?! Buti pa siya kasi madali siyang makipag-close sa iba. Pa'no naman ako?
I started walking papunta sa stairs going fifth floor, ibinalik ko ang tingin sa room ni Crystal dahil medyo malayo na ako. Hays, I feel nervous bigla.
Dire-diretsyo lang ako sa pag-akyat nang hindi pinapansin ang asa paligid. I don't even want to make the slightest effort to turn my gaze to any of it.
Pagdating ko sa fifth floor, that is the time na tinitignan ko na bawat room signs para malaman kung saan ba ang room ko.
And as I saw it, pumasok na agad ako.
I sat to the chair na nag-iisa sa gilid. I don't know, it feels like this is my comfort zone, yung malapit sa corner at isa lang ang pwedeng maging seatmate.
And again, everyone is starring to me. What the fvck is wrong?! May dumi ba ako sa mukha? I rolled my eyes and just put my earphones and played a music. I don't want to mind what they are up to. Wala pang klase and that is why ang boring. Sana pala hindi na lang ako dumiretsyo dito, sapat na lang na nalaman ko kung saan ang room ko.
I badly want to go out or sleep, pero sige itutulog ko na lang.
As I close my eyes at dinadama ko ang music I suddenly felt the cold air in my skin. Dahil pala nasa corner ako ay asa tapat ako ng aircon. Good thing I brought my hoodie cause I'm just wearing a thin cotton shirt. Nilabas ko ang hoodie ko sa bag, na ito lang ata ang laman at isang notebook. Sinuot ko ýon and I'm back at closing my eyes. Omygoodness, ang lamig pa rin kahit naka hoodie na ako, pero tolerable naman na.
I know my eyes are closed, but my mind is not asleep.
Mapaglaro –Magnus Haven playing...
"Siya ang lubos na pinag-isipan
Bakit pa siya ang napusuan?Kay rami-rami naman d'yang iba
Kaya ngayon ako'y nagdurusa"
YOU ARE READING
Unknown Feelings
RomanceAs the squad welcomes Xandra into their tight-knit group, one member finds himself in a state of confusion. He's never been one to question his feelings, but as he grows closer to Xandra, he begins to doubt his heart. Is it possible to love two peop...