[Xandra Kate Delos Reyes POV ]
Pag pasok ko sa room ay tumabi na kaagad ako kay Crystal. Magkaklase kami ngayon sa minor subject.
At syempre pagdating ko ay kaagad niya akong tinanong.
"Ayare sayo bat ganiyan itsura mo hah? Para kang nakipag away jusko at pawis na pawis kapa. Kararating mo lang hah pero ganiyan na agad itsura mo. Haggard na haggard." Kasabay nito ang paghawi niya ng buhok ko at pagpunas ng pawis na tumutulo sa mukha ko.
Sweet ni Crystal <3
Pagkatapos niya ako masabi-sabihan ay hindi na ako sumagot at nagkwento ba dahil alam ko ng sermon ang abot ko dito, malala pa siya sa nanay ko noh.
Kinuha niya ang pouch niyang napakadaming laman na pang-ayos at kung ano-ano pang kaartehan sa bag at nagsimula ng mag-ayos.
May pahawak pa ng salamin hah.
Hayyss ewan ko ba nasanay na ako na nakikita siya nagpupulbo, naglalagay ng liptint, at kung ano-ano pa sa pagmumukha niya. Dati naaalibadbaran ako pag nakikita ko siyang ganiyan lalo wala naman akong alam sa mga ganiyan, pero ngayon parang normal na lang sa akin.
Minsan lang naman ako maglagay ng ka-artehan na ganiyan pag kailangan lang pero ewan ko ba almost lahat ng babae dito sa school marunong mag-ayos ng tama. Ako na lang ata ang napag-iwanan.
Lumapit si Crystal sa akin at sinuklay ang buhok ko. Gusto ko pa sanang tumanggi, ngunit wala na akong lakas kaya hinayaan ko na lang siya gawin ang kung ano-ano sa buhok at pagmumukha ko.
Walang ekspresyon at nakatingin lang ako sa kawalan.
"Ayan! Mukha kang tao!" Pagloloko ni Crystal matapos niya bitawang galawin ang pagmumukha ko at pumapalakpak pa siya.
Kinuha ko ang salamin na hawak niya at tinignan ang sarili ko. Hindi na masama, dahil totoong umayos nga ang istura ko gawa ng inayos niya ang buhok ko at binraide. Nilagyan niya rin ako ng kaunting pula sa pisngi at labi. Hindi na ako mukhang may sakit sa namumutlang labi at kutis ko. Nagkaroon ng kulay at mas maaliwalas akong tignan. Hindi na ako nagbigay ng kumento at hinayaan si Crystal na paulit-ulit na purihin ang itsura ko. Hindi na ako magtataka dahil minsanan niya lang akong makitang ganito.
"Anong meron at hinayaan mo akong ayusan ka?" Bigla niyang tanong.
"Wala,'' simpleng sagot ko na hindi naman naging sapat para maniwala siya.
"Weh? Weh?" Nakakairitang pang-aasar niya habang nilalapit pa ang mukha niya. I glared.
"May pinopormahan ka no!" Sabay sigaw naman niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko. Ano ba iniisip niya?
"Manahimik ka. Wala lang talaga akong gana makipag-talo sayo kaya hinayaan kitang gawin ang gusto mo." Sabi ko.
"Tskkk! Ano ba problema mo? Ang cold mo eh ang int init na nga." Pakikipagtalo niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa inis pero mas binalik niya pa yung ekspresyon na mas nakakainis.
"Oh ano? Ano? May red river ka 'no?" Dagdag niya pa. Bwesit!
"Wala nga kase! Bakit ang kulit mo?!" Inis na sabi ko sabay kinuha ang libro na binabasa ko sa bag.
Hindi ko na siya pinansin kahit anong pang-kukulit at inis niya. Nagbasa ako, kahit sobrang hirap mag-focus habang siya ang nasa tabi ko. Naaabalidbaran ako sa kaniya.
*******
[ Aizel Renzo Panlilio POV ]
I watched as Xandra walk away and entered the room. I don't know how to feel, I feel terrible about what I just did! Why did I do that? Why did I block her like that and even argue with her. Fvck! I really need to work on my attitude! I just intended to talk to her in a good way, but she was so rude to me and it pissed me off! Maybe I'm just not used to it because it's rare for someone to treat me the way she did, which led to a fight. It's like she really despises me. May galit ba siya sa mga gwapo? Or maybe it's my fault that she acted that way towards me, but I don't care because I'm really annoyed! I want to stay chill, but there's a part of me that's really irked and I just want to be angry. Ugh! Damn girl!
YOU ARE READING
Unknown Feelings
RomanceAs the squad welcomes Xandra into their tight-knit group, one member finds himself in a state of confusion. He's never been one to question his feelings, but as he grows closer to Xandra, he begins to doubt his heart. Is it possible to love two peop...