Chapter 1

54 3 0
                                        

Raden Alfaro's Point of View

One Year Earlier, Robinson’s Place Bacolod

 “Tol bilis, takbo, mamaya madami na ang tao dina tayo makakasingit”

 “Bakit ba, ano ba meron jan?”

“Putcha di ako papayag na di ko makuhanan ng picture si Yola Almonte ng harapan kaya bilisan mo!!!”

Para akong lokong nakipagsiksikan sa mga tao habang nakabuntot sa pinsan kong si Delmo papunta sa mataong stage sa loob ng Robinson’s Mall. Tiliian ang mga tao habang may nagsasayaw sa ibabaw ng stage.

“Tamang tama tong pwesto natin, dito dadaan si Yola, nakaready na ang tablet ko yesss!!”  Hindi mapakali si Delmo habang ako naman ay walang kamuwang muwang kung sino ba talaga an aming hinihintay.

Eto ang kauna-unahang pagkakataon na ipinasyal ako ng aking pinsan dito. Two years old lang ako nong mag-migrate sa Australia ang aking pamilya at pang-apat na beses pa lamang ito na nakabalik kami. Kung di pa siguro ikinasal si Tita Lucy, ang bunsong kapatid nila Papa ay malamang di pa kami bumalik lahat at magbakasyon ng isang buwan dito.

Halos tatlumpong minuto na kaming nakatayo at naiinis na si Delmo sa kahihintay, wala pa ring lumalabas sa likod ng stage.

“Dyan ka na muna, manonood lang ako ng arcade games sa may bandang likod”, paalam ko sa kanya.

“Sige kaw bahala. Di na ako alis dito at baka makalampas, sayang”.

Mahilig ako sa arcade gaming kaya nawili ako sa kakapanood at di ko napansin may halos isang oras na pala akong nanonood ng biglang …

“Sir excuse me, saglit lang eto”, wika ng babaeng may hawak na microphone sabay hila sa braso ko.

Sa bilis ng pangyayari, ni hindi ko namalayan na nasa ibabaw na pala ako ng stage.

“ Ano ang name nila sir?”

Raden Alfaro po”, walang pag-aalinlangang sagot ko sa emcee.

“Congratulations for being selected as Yola’s date tonight. You will be having a 2-hour dinner with Yola Almonte tonight at 8:00PM”, tuloy tuloy na banat ng emcee na sya namang hiyawan ng mga tao. Ni hindi ko na nalala si Delmo sa bilis ng pangyayari.

“Po?” ang tanging katagang lumabas sa aking bibig sa kabiglaanan.

Lumakas ang hiyawan ng mga tao ng lumabas sa backstage ang isang babae. Nasa 19 years old at halos kaeded ko lamang. Lampas balikat ang straight na straight at maitim na buhok na kumikislap sa tama ng nakakasilaw na spot lights.

“Yola, Yola, Yola!” nakakabinging hiyawan.

“Kiss, kiss, kiss, kiss!!!!! i-kiss na yan!!!” sigaw pa ng mga nasa gilid.

Pakiramdam ko hindi ako makakilos. Saka lang ako natauhan saka nagblush dahil hindi man lang ako nakatangging umakyat dito.

Bakit ba ako nandito? , ang tanging bulong ko sa sarili.

Tuluyan nang nakalapit ang si Yola sa akin sabay hawak sa aking kaliwang braso habang ang isang kamay ay may hawak na microphone.

“Bagay ba kami??” sigaw na tanong nito sa crowd.

“Yes yes yes, kiss kiss kiss!!” anya ng maingay na crowd.

Napatingin si Yola sa akin at nagtama ang aming mga mata. Biglang binawi at ipinukol ulit sa crowd. Tuloy pa rin sa pagsisigaw ng “kiss” ang mga tao.

Joskopo, sana wag naman at nakakahiya. Baka mamatay ako sa hiya rito. Nakatungo ako na nag-iisip kong ano ang gagawin. Kelan pa ba ako makakaalis dito?

Inilapit ni Yola ang kanyang labi sa aking kaliwang pisngi para magbeso beso nang biglang sumentro sa akin ang umiikot na spotlight. Biglang iwas ng aking mukha at hindi nakaiwas ang mga labi ni Yola sa aking mga labi. Sa halip na beso beso, lips to lips ang nangyari. Pati si Yola ay nagulat rin at dahan dahan nitong inilayo ang mga labi.

Hiyawan ang mga tao… “Isa pa, isa pa, isa pa”

“Kayo ha, namihasa agad kayo ha!”, pabiro nitong sagot sa crowd. 

Humawak sya sa aking braso at kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi na hindi ko naman masyado naintindihan because I am extremely overwhelmed at di ko alam ang gagawin. Mayamaya pa ay bumitaw na sya sa pagkakawak sa braso ko.

“Thank you, see you later”, ang tanging sinabi na sya ko namang ipinagtaka.

Bago ako bumaba ng stage, inabutan ako ng emcee ng parang ticket.

“Lufet mo tol, nakakainggit ka naman!! Pahalik nga!” ani Delmo na nandon pa rin pala sa kanyang pwesto at nasaksihan ang lahat.

“Eto sayo na lang to” inabot ko sa kanya ang ticket.

“Dinner date with Yola Almonte”- ang nakasulat 

“Sayo yan” ibinalik sa akin ang ticket na sya ko namang inilagay sa aking wallet.

Hindi ko maipaliwanang ang aking naramdaman matapos ang pangyayaring iyon at habang papalayo kami sa stage, ilang beses akong lumingon para tingnan si Yola habang kumakanta. Para akong nakakita ng prinsesa. Kakaiba ang ganda nya. Hindi kagaya ng karamihan sa mga celebrities, manipis ang kanyang make-up at natural ang kulay ng mga labi na kumikinang sa manipis na lip shiner. Lalong pumuti at balbon nitong mga binti sa suot na itim na shorts. Ang sarap nyang hagkan, naisip ko habang tuluyan kaming papalayo sa stage.

“Anak gising na at maiiwanan tayo”

“Bakit, saan po ang punta natin?”

“Nakalimutan mo na ba, mag-oovernight tayo sa Mambucal. Nauna na sila Tito Paulo mo para magpareserve ng cottage. Aba’y gumayak ka na at maiiwanan tayo. Nag-aantay na sila Papa mo sa labas”

Pandalas ako at din na nakuhang magpunas, nagpalit ng tshirt at jeans sabay salta sa sasakyan bitbit ang aking Nikon D3100. Mahilig ako sa photography at narinig kong mountain resort ang pupuntahan namin kaya excited ako, hindi sa paliligo kundi sa nature picture taking.

May isang oras na ang takbo ng sasakyan namin at kumakagat na ang dilim nang naisip kong may date pala kami ni Yola. Ahh, si Yola Almonte, naisip ko na naman. Nakatulog lang ako ng may dalawang oras e parang ang tagal nang di ko sya nakita. Teka, namimiss ko ata.

“Sayang!”

“Bakit anak, may problema ba?”

“Wala po, hehe wala po”  Napalakas pala ang bigkas ko. Tarantado! Bulong ng isip ko sa sarili. Huhuhu, napakaswerte ko na malas. Nawala tuloy ako sa mood habang nasa byahe. Dinukot ko uli ang ticket sa pitaka ko at pinagmasdan ang maliit na picture ni Yola. Ang ganda mo talaga. Magkikita pa kaya ulit tayo?.. No choice ako kundi mag-emote hanggang sa nakatulog sa byahe.

The Innocent FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon