Chapter 2

24 2 0
                                    

Yola Almonte Point of View

“Peeeeeeeeeeeeeep, Paaaaaapapapap”

“Josko po bakit naman dito tayo dumaan manong. Maiiwan ako ng flight.. huhuhu… “

 “E wala po tayong magagawa mam, ginagawa ang tulay sa Nagtahan kaya kahit madaling araw matrapik, wala tayong alternate route kondi dito”

May isang oras akong naipit sa trapik at maya’t maya pa ay nasa NAIA Terminal 3 na ako.

“Mam I’m sorry, may 10 minutes nang closed ang boarding gate, next flight na lang po kayo”

Patay, late ako.. huhuhu

“Mam fully-booked na ho lahat ng flights ngayoing araw pati hanggang tanghali bukas e… Bukas pa ng hapos ang pinaka-maagang may bakante”

Di na ako nakipagtalo sa crew at lumipat sa ibang airlines. Ganon lahat ang sinabi.

“Mam try nyong magbarko, may byahe ngayon at pag nakasakay kayo nasa Bacolod kayo at around 8:AM tomorrow”

“What? So ibig sabihin almost 24 hours akong nasa barko?”

“Sadya pong ganon mam. 18 to 20 hours ang byahe ng barko papuntang Bacolod”

Patay ako kay Reggie, sa boyfriend kong may isang araw nang naghihintay sa Bacolod kasama ang iba pang artista. Magkagalit na nga kami tapos late na late pa ako huhuhu. Kung bakit pa naman kasi sa dinamidami ng available na oras kahapon kanina pa nagpatawag ng audition si Derek, naiwan tuloy ako ng eroplano.

“Taxiiii!, sa Pier Dos po at samahan nyo na rin po ng konting bilis”

“Sige po mam, sakay”

Dahil sa suot kong bandana, nagmukhang muslim tuloy ako. Kailangang itago ang mukha sa public para maiwasan ang kahit sinong paparazzi.

“Mam meron pa pong available na tourist class”

“Kahit saan basta aircon”

“Okay po, sa tourist class po kayo at fully-booked na ang tatami class. 7:45 po ang alis na barko, diretso napo kayo sa taas”

Umakyat ako sa barko. Ganito pala to, ang taas at naku, gumagalaw. Tatagal kaya ako ng biente oras dito? Iniabot ko ang ticket ko sa naka-abang na customer assistant.

“Mam diretso pa po sa taas tapos kaliwa”, napangiting nagtaka ang lalaki ng mabasa ang pangalan kong nasa ticket. Naisip kong pekeng pangalan ang gagamitin ko pero pano pag lumubog ang barko? Walang may alam kong nasaan ako kawawa naman si Mommy.. Kung anu-ano ang pumapasok sa kukute ko, diretso ako sa taas.

Sa kaliwa napakaraming beds at ang ingay. Eto siguro ang tinatawag nilang economy class. Aba, may manok pang panabong na nakatali sa poste ng double deck bed. Ano ba naman to. Palibhasa hindi ako sanay na makakita ng mga ganito kaya para akong loka. Makaliko na nga sa kabila.

Diretso ako hanggang sa makita ang room number na nakasulat sa ticket. Ahh, para palang hotel ito kaso nga lang maliit ang rooms.

Bukas ang pinto kaya pumasok ako. Oppss, akala ko isang bed lang e bakit apat? Dalawang double deck beds pero in fairness napakalamig ng aircon. Sarap dito.

Ang dalawang double deck beds ay naharangan ng parang divider kaya hindi kita kung may nakahiga man sa kabila unless silipin mo ito sa gilid ng divider.. Takot ako sa tubig kaya naisip kong wag don sa likod at dito na lamang malapit sa pinto.

Tutal di pa naman tumatakbo ang barko, naisip kong sumilip sa saradong makapal na salaaming bintana. Ang taas pala ang aking kwarto. Nasa may apat na palapag ata mula sa akin tinatayuan ang tubig sa ibaba.

Teka may camera at laptop sa bed. Naisip ko naiwanan siguro ng dating pasahero dito bago ako pumasok.

Lumabas ako at pumunta sa reception hall.

“Miss irereport ko lang. May naiwang laptop at camera don sa room ko”

“Ano po ang room number nila?”

“265 tourist cabin” ang maiksi kong tugon

“Sige po antayin nyo na lang ang ticket inspector after 5 to 6 hours. Busy pa lang kami sa pag-aassist ng mga paakyat na passengers, thank you po”

Bumalik ako sa kwarto at inilock ang pinto.

Maya’t maya pa ay umusad na ang barko. Upo ako sa first bed. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi naman ako nahihilo kaya sabi ko okay na okay.

Napansin ko ang maliit na table sa may corner malapit sa bintana. Ayos, pwede palang kumain dito. Teka may nakapatong na papel. Nagulat ako nong na-identify ko ang papel.

"The Innocent Fan, Dinner date with Yola Almonte" ang nakasulat sa ticket.

Isa ito sa anim na tickets na ginamit namin sa out of town concerts para sa special date with a fan. Teka, bakit nandito ito. Halos lahat naman nakabalik sa office a? Teka may bigla akong nalala.

Si Mang Lando, ang isa sa mga photographers namin ay inutusan dati ni manager:

“Maghanap nga po kayo jan ng mejomaayos at kuhanan nyo ng candid shots. Yong mukha namang tao at nang itong si Yola ay hindi naman sumama ang loob. Doon kami  pipili ng “Innocent Fan” winner”, tanda ko pa ang eksaktong sinabi ng manager namin kay Mang Lando.

May limang pictures ata ng iba’t ibang lalaking fans ang ibinigay sa akin ni Mang Lando. Teka, parang nasa akin pa yong picture nya. Binuklat ko ang aking bag at eto nga… tagal na tong nakatago dito sa bulsa ng handbag ko kung bakit ngayon ko lang nalala. Ang gwapo kahit naka sideview.. Parang walang paki-alam sa mundong nanonood ng arcade malapit sa stage.  Hindi naman ata fan ko to, si mang Lando talaga.

Ahh, nalala ko na naman. Siguro sinadya nyang iiwas ang ulo para tumama ang mga labi namin hihihi.. para akong loka loka sa naisip ko... Siguro may girlfriend yon kaya di ako sinipot… nakakainis.. Siguro nahihiya rin dahil artista ako.. hmmm… hihihi.

Para akong baliw na nag-iimagine nang biglang lumagatik ang lock ng pinto. Natakot ako bigla nang maalala kong inilock ko ito kaya bigla akong tumayo at hinawakan ang door knob para pigilan ito sa pagbukas….

“Blagag!!!” Ang malakas na tunog na aking narinig matapos akong bumagsak sa sahig at tuluyang  mawalan ng malay dahil sa sobrang sakit ng aking sikong tumama sa strainless steel na gilid ng double deck bed.

The Innocent FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon