Chapter 2

24 0 0
                                    

Ray

I quickly got out of my car when I hit the girl in front of me. Naku naman! Makakapatay pa talaga ako! Should I run for it? Pero di ko kaya. Kakainin lang ako ng konsensya ko.

Tiningnan ko ang babae na nabundol ko. Her head was bleeding and she got bruises all over her. I quickly carried her to the back seat and brought her to the nearest hospital.

Pagdating ay kinarga ko siya patungo ng emergency room. At agad naman akong tinulungan ng mga nurse. Nagsilapit ang mga doctor para ma check ito.

"What happened to her, sir? Kamag anak nyo po ba ito?" Tanong ng nurse sa'kin.

"Nabundol ko siya. She was careless enough to cross a street on a green light. Can you check on her please? Make sure na ayos lang siya?"

Tango lang ang sagot nito at tumabi ito sa doctor. I sat down on one of the chairs. Parang na drain lahat ng energy ko sa nangyari.

Lumapit sa'kin ang doctor.

"How is she, doc?" I looked at him and he smiled.

"She's fine. Pero kailangan natin siya ma transfuse ng dugo, medyo marami din ang nawalang dugo sa kanya. We need a B positive blood." He said at napaisip agad ako.

"I'm a B positive, doc!" I blurted out. Natigilan ako dahil natawa ito sa reaction ko.

"You don't have to shout, mr?"

"Marcus Ray Lopez, doc" I extended my arm and he shook it.

"Nice meeting you sir. If you don't mind pwede ka ba namin kuhanan ng dugo? For her sake of course." He said

Nagkibit-balikat nalang ako. Medyo takot ako sa karayom.

Let me rephrase that, takot na takot ako sa karayom. Parang namumutla na ako sa takot.

Sumunod nalang ako sa doctor kahit parang gusto kong tumakbo palayo. My knees were feeling weak.

I gulped.

You deserve this Ray! Sinagasaan mo pa kasi!

Para akong nasa isang debate sa utak ko. Kung bakit ba kasi nagprisinta pa akong mag donate ng dugo! Gago talaga!

"Sir, upo lang kayo dito and we'll start getting the blood we need." Sabi ng isang nurse.

Sinunod ko agad ang sinabi nito. I tried to calm myself down as I lay my head back.

Pero nung nakita ko na ang nurse na may hawak na karayom ay nataranta ulit ako.

"Miss, wala ba kayong blood bank jan? Baka may extra kayo."

"Wala po sir eh," she said and rubbed a wet cotton on my arm.

"Baka b+ ka miss? Bayaran nalang kita. Ikaw nalang mag donate?"

"Sorry po sir, di po yan pwede eh, kahit gwapo po kayo sir, I still have to follow protocol." Anito at tinusok ng bigla ang karayum.

Nakatingin nalang ako sa injection na nasa braso ko. Nanlulumo ako sa nakita ko at bigla nalang umitim ang paningin ko.

Demi

Nang imulat ko ang mata ko ay isang beige na ding ding ang nakita ko. Hindi ko naman kwarto to. So, who is it? Hala! Di naman siguro ako nagka one night stand with someone? Paano na ang puri ko?!!!!

I quickly glanced at my side. Napansin ko agad ang transulent na wire ang nakita ko. I had to look at my hand and realized That there was an IV connected to my hand. I sat upright at napansin ko rin na mag isa lang ako. Napapikit ako sa sakit ng ulo ko. Then memories came rushing back. I panted once I realized what happened. Nabunggo pala ako. Tsk! Yan! Nagpapakatanga kasi sa lalaki!

"Hey, you're awake?" Isang tinig ang narinig ko at napaharap ako sa kung sino ang nagsabi nito.

Oh mama mia! Ang guuuuwwwwwaaappppooooo!!!!!

The LOVEZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon