Chapter 1

5 0 0
                                    

1860

Panaho kung saan malaya ang lahat at walang kamalay-malay sa mundong kinagalawan. Kung saan ang lahat ay mabuti at masaya na naninirahan ng payapa.

"Gusto mo bang sumama sa amin sa bayan, anak?" tanong ni Ina, na naghahanda sa kanyang sisidlan ng bibilhin niya.

"Ipagpaumanhin mo aking Ina sapagkat ayaw kong sumama, dahil may gusto lang akong tapusin dito sa bahay. Saan po ba si ama? Hindi ka ba niya masasamahan sa centro?" tanong ko sa aking Ina habang ako'y nagbabasa ng libro.

"Lumuwas ang ama sa ibang bayan para sa kanyang trabaho at minsan na rin siyang uuwi sa ating bahay na lubos kong ikinalungkot ng aking puso't at damdamin"

"Datapwat nagbago ang aking isipan at sasama na lang ako sa iyo, sa bayan " at itiniklop lo ang aking libro at ibinalik sa lalagyan ng libro.

Pagdating sa bayan

" Ina tapos mo na bang bilhin ang lahat ng kasangkapan kinakailangan natin sa pang araw-araw"

"Oo aking anak at tayo'y kumain muna bagi umuwi, sapagkat masasarap ang pagkain na inihain sa kainang iyon at ako'y nagugutom at nakaramdam ng takam at pagkasabik na matikman ito"

"Ina may nais sana akong bilhin pahintulutanmo sana akong puntahan iyon ng mag-isa" paghingi ko ng pahintulot sa aking Ina.

"Ano ba ang bibilhin mo at napaka-importante naman yata nito para puntahan mo ng mag-isa? Sapagkat ako'y nababahala sa iyong seguridad na baka may manantala sa iyo doon..."

"Ina, papayagan niyo ba ako?" tanong ko na nagpatahimik sa aming dalawa. Pagkaraan ay ako'y mabilis na tumakbo para sa patutunguhan ko at sumigaw ako..

" Salamat Ina at ika'y hindi magluluwat sa iyong paghihintay dahil ako'y agaran ring babalik"

"Aasahan ko iyan Areica" mahinang sabi ng Ina ni Arieca.

" Magkano po pala ang halaga nito?" tanong ko sa tagabantay ng bilihin.

" Libre na iyan sa magandang , tulad mo binibini"

" Maraming salamat pero totoo po banf sa akin na ito, Ginang?" paninigurado ko sa tagabantay baka ako'y pagbingtangan na magnanakaw sa pagkalabas ko nito sa tindahan.

"Oo sa iyo na yang libro dahil sa taglay mong kabaitan at pagiging matapat."

"Maraming salamat at ako'y magsisimulang  maglalakad patungo sa aking tirahan" at sa kalangitnaan ng aking paglalakad ay bigla na lang nataranta ang mga tao sa aking paligid at nagsitakbuhan papasok sa kanilang mga kanya-kanyang tirahan ay nakarinig ako ng sigaw

"MAGTAGO AT MAY MANANAKOP NA DADATING" na nagpa-alerto sa aking galaw at napabilis na din ang bawat lakad na tinatahak ko papunta sa aming tirahan at pagkadating ko ay agad kong hinanap si Ina.

"INA, INA, INA!" pagkapasok ko sa bahay ay walang bakas na may taong dumating at agad kong pinuntahan ang silid pero wala siya dito.

"INNAAA......." at napahagulhol na lang ako.







Ang cute na author maganda: asan kaya ang Ina ni Arieca?

Sino ang makakahula?😊😊😊

Beneath The MoonlightWhere stories live. Discover now