"Arieca, Arieca gumising kana dahil tayo'y maglalakbay ulit"
"Pero ama, ako'y pagod na sa ating paglalakbay gaano ba kalayo ang sinasabi mong lugar?"
"Sasagutin ko ang katanungan mo sa isang kondisyon?"
"Ano naman po ang kondisyon?"
"Maglalakad na tayo patungo sa ating destinasyon"
"Payag po ako, pero sagutin mo muna ang tanong ko"
"Dalawang bundok ang ating dadaanan at limang ilog at sa tantya ko nasa kalahati pa tayo ng unang bundok"
"ANO!!!"
"Tumayo kana at tayo'y maglalakad ulit..."
"Opo, ama" at kami'y nagsimula ng maglakad.
"Pero ama wala ba talagang tuwirang daan patungo kina Ina?"
"Meron mapapahamak tayo kung doon tayo dadaan, baka nasakop ns iyon ng mananakop" at napatango na lang si arieca sa nadinig niyang sagot mula sa kanyang ama.
Habang sila'y naglalakad ay di nila alam na may tahimik na nagmamansid sa bawat kilos na ginagawa at pagtahak sa daan na kanilang nilalakad. Lumipas ang ilang oras ay sumapit ang gabi at hudyat na rin ito na kanilang pagtigil at magpahinga para bukas.
"Saan ka pupunta ama?"
"Kukuha ako ng panggatong para gumawa ng apoy. Kahit paano ay mainitan rin tayo" at siya'y umalis. Maayos na lang at mahaba ang naisuot kung bestida at unti-unti ko ng ipinikit ang aking mata.
Simula na rin sa malalim na pagkatulog si Areica pero di niya alam na may nagmamansid sa kanya sa malayo. Di pa rin bumabalik ang ama ni Arieca. Napagdesisyonan ng estranghero na lapitan si Arieca sa malapitan. Hinaplos nito ang pisngi ni Arieca at tinitigan niya ito ng matagal. Pero hindi niya inaasahan na magigising ang dalaga at napatitig si Arieca sa mata nito.
"Asul ang mga mata mo?" nakatitig parin si Arieca sa mga mata nito na parang nahihinoptismo sa paraan ng pagtitig nito.
"Nais mo bang sumama sa akin mamasyal?"
"Naisin ko mang sumama sayo, sapagkat hndi kita lubusang kilala, iyong pangalan ay hindi ko alam at paano kita mapagtitiwalaan....
kung ngayon lamang kita nakita at makikilala" pagdadalawang isip ni Arieca sa pagsama sa estranghero.
"At hindi ko makita ng ang mukha mo ng lubusan dahil sa dilim"
"Tama nga ang hula ko sa nais mong sabihin" at ngumiti ang estranghero
"Pero di ba talaga maari kahit saglit lang ng iyong oras ang nais kung hiramin bilang pagsama sa akin"
"Ginoo, hinihintay ko ang pagdating ng aking ama at ang sagot ko ay hindi"
"At kung gayon at yun ang desisyon mo ay iiwan kita a mag-ingat ka sa mababangis na hayop na pagala-gala dito sa gubat" mga salitang nagpabago sa isip ng dalaga.
"Sandali ako'y payag, pero sa isang kondisyon?"
" Ano ang iyong kondisyon?"
"Mapapangako mo ba ang kaligtasan ko kong ako'y sasama sa iyo?"
"Oo, pangako binibini" at inilahad nito ang kamay kay arieca at tinitigan ito ni arieca.
" hindi mo ba tatanggapin ang kamay ko?" at natauhan na lang si arieca agad niya rin itong tinanggap.
" Ipikit mo ang iyong mata" at ipinikit ni arieca ang kanyang mata.
"Buksan muna iyong mata" at nakita ni Arieca ang kanyang mata.
"Maari muna buksan ang iyong mata" at nakita ni arieca ang kanyang harapan at di siya makapaniwala.
"Paano mo ito nagawa, paano... ito na yata ang pinakamaganda na tanawun na aking nakita sa aking buong buhay" namamangha at saya ang nararamdaman ni arieca at siya'y lumingon sa lalaki at di niya inaasahan na ganito pala ang mukha ng estranghero.

YOU ARE READING
Beneath The Moonlight
VampireI crave to cry out for this dream to be a realization The courage that you hold in the center of your heart. I'm drowning in the dream of you I feel the beat up all night Even with the tip of my fingers I can feel you and I become Connection..... ...