" Ina..." mahinang bulong ko sa hangin habang ako'y umiiyak. Lubos kung bakit ko iniwan si Ina. Sana ngayon magkasama pa rin kami.
Tok- tok-tok
At nanginig na lang ako bigla at naisip ko ang nadinig ko sa centro. Ang mananakop, si ko inantala ang katok at ako'y nagtago ng mabuti sa ilalimng aparador nasa sulok.
"Arieca buksan mo ang pinto si ama mo ito" at dali-dali akong pumunta pinto at binuksan ang pinto at niyakap si ama ng mahigpit.
"Maayos at umuwi kana ama . Ama si Ina..." at umiyak ako
"Alam ko, alam ko..."
"Ama ko, totoo po bang may mananakop na pumunta sa ating bayan para gawin tayong alipin?"
"anak ko duon tayo mag-usap sa loob delikado sa labas natin yan mapag-usapan tungkol sa bagay na iyan" at pumasok kami sa loob ng bahay at isinirado ng mabuti ang pintuan.
"anak ko ayusin mo ang iyong mga gamit at isilid mo ito sa bagahe mo at lilisan tayo sa lugar na to"
"Pero si Ina..."
"wag mong alalahanin ang iyong Ina sapagkat naroroon na siya sa ating patutunguhan na lugar" paliwanag sa akin ni Ama
"Bilisan mo at tayo'y magsisimula ng maglalakbay"
"opo ama"
"Ama malayo pa po ba ang ating lalakbayin, sapagkat ang aking mga paa ay napapagod "
" Matuto kang maghintay arieca at tayo'y dadating"
"Opo ama" at ako'y nagpahinga muna ng ilang sandali sa ugat ng puno na aming nadaanan.
"Ama bakit ho po tayo dito dumaan sa kagubatan wala po bang mas malinis at sagrado na daanan patungo sa sinasabi mong lugar kung saan naroroon si Ina?" tanong ko kay ama habang ako'y naka-upo pa rin sa ugat ng puno.
"Ama?" at pagtingin ko sa gilid
"Ama!" saan siya pumunta?
" Ama tama na lumabas kana hindi ito nakakatuwa"
"Ama batid kong pinaglalaruan mo lamang ako pero itigil muna ito" at nagsisimula narin ang aking luha sa pag-agos palabas sa aking mga mata.
"Ama!!!" sigaw ko na malakas habang tinatahak ang daan at nagbabaka-sakali na mahahanap ko si ama.
"Ama..." at ako'y napaluhod sa lupa at napahagulhol na lang ako. At may bigla na lang humaplos ng mabagal sa aking buhok at dahan-dahan kong ina-ngat ang aking ulo.
"Layuan mo ang aking anak, halimaw!" sigaw ng aking ama na nagpatigil sa aking pag-iyak at ng tuluyan ko na nai-angat ang aking ulo ay siya rin pagkawala ng misteryosong lalaki.
"ayos ka lang aking anak?"
"ayos lang po ako ama, datapwat saan ka ba nagtungo ama?"
"Ako'y may tiningnan lamang sa paligid, nalingat lang ako ng sandali umatake naman ng agaran ang halimaw" halos pabulong na sabi ni ama.
"Halimaw? Ano ba ang mukha ng halimaw ama? Sapagkat ngayon lang ako nakadinig ng salitang iyon"
"Kalimutan mo na lang ang nasabi ko kanina dahil walang gaanong kabuluhan iyon"
YOU ARE READING
Beneath The Moonlight
VampirosI crave to cry out for this dream to be a realization The courage that you hold in the center of your heart. I'm drowning in the dream of you I feel the beat up all night Even with the tip of my fingers I can feel you and I become Connection..... ...