Sa larawan namin ako'y nakatigtig
Habang ang puso ko ay malakas na pumipintig
Luha'y tumutulo hindi dahil sa lungkot kundi sa sayang nararamdaman ko
Naalala ko tuloy noon
Ng minsan tayong mag-away
Halos ibato ko na saiyo ang mga bagay na nahahawakan ko at halos sigawan na kita
Pero minsa'y hindi mo pinaramdam sakin ang sakit
Bagkus ang labis mong pagmamahalNangako ka sa maykapal at sinabing...
"Handa kong iwan lahat makasama lang kita"
Umagos ang mga luha galing sa aking mga mata
Kay sarap pakinggan ng iyong mga salita
Na para bang isang musika na ikaw ang umakda at ako ang iyong naging inspirasyon
Kay sarap balik-balikan ng mga nakalipas na panahon
Na kasama ka sa lahat ng pagkakataonSimula ng makilala kita nagkaroon na ako ng sigla
Corny man pakinggan pero 'yan ang katutuhanan
Kung dati itim na bestida ang aking sinusuot
Ngayon ay isang puting wedding gown
Oo ikakasal na ako..
Ikakasal na ako sa taong lubos kung minahal
Sa lalaking handa kong pag-alayan ng lahat lahat
Sa lalaking handa akong makasama sa hirap at ginhawa
Na hindi magsasawang hawakan ang aking kamay
Isang lalaking nangako sakin ng maganda at mapayapang buhay.Dahan dahang bumukas ang malaking tarangkahan ng lugar na kung saan kami'y magsisimula
Magsisimula ng mga aalala bilang isang mag-asawa
Niyakap ko ng mabuti ang aming larawan bago tahakin ang daan patungo sa aking minamahalNakangiti siya habang sout ang puting tuksido
Nagpipigil akong umiyak habang lumalapit sa kanya
Hinawakan niya ako na parang nagsasabing sa wakas tayo rin ay magiging isa
Ito na...ito na ang oras na magpapalitan kami ng salitang "I do"
Sa sagradong seremonyang ito ay walang humpay ang malakas na pagtibok ng puso ko
Humarap kami sa isa't isa at sinuot ang sing-sing
Sing-sing na magkokonekta saming dalawa
Pagkatapos noon ay ang halik niyang sobrang tamis.
Halik na hindi ko matitiis
Sa wakas kami parin sa huli
Kami parin ang itinakdang magkasamang gumawa ng mga alalala
Alaalang hindi ko makakalimutan hanggang ako'y tumanda.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryThis story containing some short poems that originally written by@Armiyami02