When I Meet you

7 0 0
                                    


Simula ng makilala kita
Buhay ko'y nag-iba
Hindi nabawasan sa halip ay naragdagan pa
Nakakabaliw iisipin habang naglalaro ka ng basketball
ako naman 'tong nakasilip sa isang kanto
Lihim na sinisigaw ang pangalan mo
Gusto kong mapansin mo ako
Gusto kong maging tayo
Ngunit gaya sa lotto walang kasiguraduhan at mukhang imposible pa yata ng hiling ko

Kabilang na ako sa mga babaeng humahanga saiyo
Humahanga sa taglay mong bait at kagwapuhan
Hanggang sa dumating iyong araw na may haka-hakang may maswerteng babaeng kang nililigawan
Halos pagsukluban ako ng langit at lupa
Na para bang hindi alam kung paano bumangon  mula sa pagkadarapa

Siguro hangang tingin nalang ako saiyo
Na hindi ko masabi ang tunay na nararamdaman ko para saiyo
Pambihira mahal na yata kita
Na handa akong gawin maging tayo lang
Pero malabo na lalo na ngayong may nililigawan kana

Dumating ang mga araw na wala akong gana
Halos hindi nakikinig sa bawat turo ng guro sa tuwing pumapasok sa eskwala
Halos hindi narin kumakain
Oo ganoon na ako kalala
Mahal na kasi kita simula pa ng una
Pero habang ako'y nag-iisa
Ay biglang may kumanta
Nagulat ako ng nabanggit pa ang aking pangalan
Doon ko lang nakita na nandoon ka pala
Nakatingin sakin habang nakangiti at may dala pang rosas
Lumapit ka sakin kasi napansin mo yatang hindi pa ako naniniwala

Nasa harap na kita
Lahat ng tao dito nasa atin ang mga mata
Walang kumukurap na animo'y inaabangan ang mga susunod na pahina
Lalo na noong nagsalita kana
At sinabing
"I love you since i meet you..now please be my girlfriend?"
Napaluha ako at dahan dahang napatango
Oo sinagot ko na agad siya at labis niya 'yon kinatuwa dahilan para buhatin niya pa ako
Simula ng makilala ko siya
Buhay ko'y nag iba
Hindi nabawasan kundi naragdagan pa
Makasama ko lang siya sapat na
At wala ng mahihiling pa

Spoken Poetry Where stories live. Discover now