Oo umiyak ako
Umiyak ako sa umpisa ng dahil sa panloloko mo
Nangako ka na ako lang ang mamahalin mo
At ako naman 'tong si uto-uto naniwala naman sa mga sinabi mo
Kailan ba ako matu-tuto?
Kahit na paulit-ulit mo na akong sinasaktan ito nagmamahal parin saiyoSinabi mo noong una na masyado akong makulit
Kasi naiirita ka na sa mga tanong at pagmamaka-awa kong paulit-ulit
Sa oras na iyon masyado na akong desperada
Desperada na mahalin mo ulit ako na ako ulit ang piliin moPero napagtanto ko na masyado na pala akong naging tanga
Halos napabayaan pati na ang sariling kapakanan
Dahil sa pagmamakaawa na ni isa wala kang pinakingganPero huwag ka ng mag-alala
Hindi na kita guguluhin
Iyong pag-ibig kong luha lang ang napala
Hinding hindi ko na ulit sasayangin
Kaya ko ng punasan ito kahit na wala ang tulong mo
Kaya ko ng ngumiti at taas noo pang lumakad kahit na ikaw ay nasa harapan koNgayon natuto na ako
Natuto na ako na mahalin ng sobra ang sarili ko
Iyong mga oras na lumuhod ako sa harap mo
Tss! Isang pagkakamali pala iyon
Isang pagkakamali na mas pinili kita noon kasya sa sarili koIto lang ang masasabi ko saiyo
Hindi mo deserve ang mga tulad kong tao
Hindi ka dapat mahalin dahil hindi ka naman marunong magmahal
Sayang lang pala ng pag-ibig ko dahil sa maling tao ko nilaanSorry.. sorry kasi nakulitan ka sakin noon
Hayaan mo next time lalakad ako sa harap mo while fliping my hair
Gusto ko kasi ipamukha saiyo na
Opss! Hindi ka pala kawalan
Ang dami pa palang lalake diyan
Dahil ngayon...I love my self at dahil doon hindi na ako papayag na lukuhin nalang at ipamukha sakin na isa akong taong napaglalaruan lang
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryThis story containing some short poems that originally written by@Armiyami02