Gabie's PoV
"A-aaarghhhh! Araaay!"
Pinandilatan ko ang lalaking nakadapa sa kalsada habang nakapatong ang kanang paa ko sa likod nya at bahagyang nakatukod ang siko ko sa aking hita,
"Anong ginagawa nyo sa teritoryo ko?" Seryosong tanong ko at diniinan ang pagkakatapak,
"B-bakit b-b-ba kelangan m-mo pang malaman?!" Galit na sigaw nya,
"Wag mong ibalik ang tanong, baka dalawang paa na ang ipatong ko sa patpatin mong likod." Walang ganang sabi ko,
"Hindi ikaw ang pakay namen dito! Etong mga 'to!" Turo pa ng lalaki sa mga students na duguan,
"Kahit sino pang target nyo, as long as nakatapak kayo sa tetitoryo ko, wala kayong karapatang mang gulo! Mga gago!" Biglang sigaw ko at napaigtad sila,
"Bree, tumawag ka ng security! Ipadampot ang lahat ng yan! Dalhin sa opisina ng Dean!" Sigaw ko at tumalikod, pero...
"Aaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!"
Mabilis pa sa alas kuwatro akong napalingon sa likod ko at mabilis na sinangga ang dos por dos,
Pag yuko ng katawan ko ay mabilis kong sinipa ang tuhod nya dahilan para bumagsak sya,
Sinalo ko ang dos por dos na nahagis nya sa ere, ngumisi ako,
"Nagkamali ka ng ginago." Seryosong sambit ko,
Namimilipit sya sa sakit, nagsidatingan ang mga guards ng school, at pinagdadampot ang mga binatilyona nanggulo, ang mga sugatan naman ay dinala sa clinic,
"MY GOODNESS!!!! ANONG KLASE KAYONG TAO??!!! BAKIT KAYO NANGGUGULO SA ISKUWELAHANG ITO!!" Galit na sigaw ng Dean ng makarating kami sa opisina nya,
Natahimik ang lahat,
"Dean, gusto ko ng karampatang parusa para sa mga tarantadong 'to." Seryosong sabat ko at napalingon sakin ang lahat,
"What?! Sino ka para gawin 'yon?!" Sigaw ng isang lalaki,
"SHUT UP!!! RESPECT HER! SYA ANG SSG PRESIDENT!!" Galit na sigaw ulit ng Dean, "Anong ginagawa nyo sa harap ng gate?! At nanggugulo pa?! What the hell?! Ang mga kabataan talaga ngayon! Mananakit ng kapawa para sa kapangyarihan! Para katakutan! Mas kakatakutan kayo kung punong puno ang mga kukote nyo! Titingalain kayo dahil may dignidad kayo at edukadong tao! Hindi yung mananakit kayo ng kapawa para respetuhin! Ang mga tulad nyo ay dapat hindi nirerespeto!!" Pangaral ng Dean,
Natahimik lalo sila.
"Ayoko ng makita ang pagmumukha nyo dito! At ang mga parusa nyo ipatawag ang mga magulang! Para alam nila ang mga kalokohang ginagawa ng kanilang mga anak!" Singhal ni Dean,
Nang tuluyang kumalma si Dean ay pinasulat nya ang mga pangalan ng mga binatilyo, at nalaman namin na nag aaral sila sa kabilang school, private rin pero parang pera perahan nalang,
'Tsh'
"Mauuna na 'ho ako Dean, may gagawin pa ako sa opisina." Maawtoridad kong sabi at lumabas ng opisina, nakasunod sakin si Bree,
"Grabe ang mga 'yon! Yung isang bata na binugbog nila ay walang malay." Iiling iling na sabi ni Bree,
Napailing-iling ako ng wala sa sarili,
Pagdating namin sa opisina ay TULOG! ang tatlo! Nakanguso akong naupo sa sofa at pinagmasdan ang tatlo, nasa upuan ko nakaupo si Air habang nakatungo sa lamesa at ganon din sila Red at Nathan na nakaupo sa mono block at naka tungo rin sa lamesa,
'Mga kurimaw'
"Hoy! Wag nga kayo'ng matulog riyan sa lamesa ko! Baka mabasa ng laway nyo yung mga papeles jan!" Malakas na sigaw ko at napabalikwas ng bangon agad sila,
YOU ARE READING
Heart Beats
Teen FictionSabi nila, ang mag kasalungat na tao ang magandang ipagpares, tahimik at maingay, Pero pano kung pagsamahin ang parehong tahimik at seryosong tao?