Gabie's Point of View
Nanginginig ang kamay ko sa inis at sa galit! Gusto kong manapak ng tao! At ayoko ng ganitong pakiramdam, dahil mahirap pigilan ang inis ko, mahirap kontrolin ang galit ko pati ang katawan ko, parang may sariling buhay ang mga kamao ko at gusto'ng makipag buno,
"Gabie!" Tawag sakin ni Bree habang padabog akong lumalabas ng Bar,
Hindi ako huminto, gusto'ng gusto kong humawak ng baril at iputok nalang yon kung sino mang humarang sa daan ko,
"Gabie!" This time ay hinawakan na ni Bree ang braso ko at sapilitang hinarap ako, magpupumiglas na sana ako ng bigla kong naramdaman ang yakap nya..
'Yakap na nagpapahinahon sa demonyo kong dugo'
"Relax..Relax.." Malumanay na sabi nya at tonong nang aalu,
"Bree, gusto kong manakit." Mahinahon ngunit galit kong sabi,
"Shh, i said relax, hindi ka nya kilala kaya ganon sya umasta, sigurado ako, kase kung kilala ka nya--fvck baka 'di ka matingnan non." Pilit na biro nya at medyo huminahon nalang ako,
Kumalas ako sa yakap pagkatapos ng ilang minuto,
"Gusto mo nang umuwi? Tatawagan ko na sila." Sambit nya na ani mo'y pumayag na ako,
Tumango nalang ako bilang pag tugon, pinagmasdan ko sya'ng tinatawagan si Airyne,
Hindi ko maitatanggi na saksakan ng gwapo si Bree, kung pano pa lang sya manamit ay masasabi mong may itsura na sya, at kung kumilos ay parang hindi na collage,
Si Bree ang pinaka matured sa aming lima at si Nathan at Airyne ang medyo isip bata, pero nasa lugar naman, at ako ? May time na seryoso at may time na medyo tarantado, ang ugali ko kase ay nakadepende sa kaharap ko,
Si Nathan, Red at Bree ang pinaka pangarap ng halos lahat ng babae sa campus, kahit highschool ay nagkakandarapa sa tatlo, at umaabot pa sa ibang school ang mga nag kakagusto sakanila,
Hindi rin kase mahirap kilalanin sila dahil marami silang ari-arian dito sa manila,
"Palabas na daw sila." Sambit ni Bree,
At maya-maya pa ay naglabasan ang tatlo na mukhang pare-parehong may tama talaga, gegewang gewang na si Airyne at Nathan pero si Red ay mukhang kontrolado pa,
"Ano nenyare?" Lasing na tanong ni Airyne,
"Napaaway si Gabie." Sagot ni Bree habang inaalalayan si Airyne,
"Oy shweeet! Bohay pa ba yong nakalaban neto? Hahahaha! Taena kawawa nemern." Napailing ako sa pananalita ni Airyne dahil wala na talaga sa ayos,
"Oo, nabuhay kahit papano." Ngingisi ngising sagot ni Bree, nagtawanan sila at napailing ako, masyado na nila talaga akong kilala,
Bree's Pov
"Huwawww! Binuhay nya?! Aba eh mag pasalamat sya ng malakeeee! Para sha shecond layp nya! Wahahahahah!" Napailing kami sa kaingayan ni Airyne,
"Tsk! Shut up Airyne! Ang ingay." Inis na sabi ko habang patuloy sa pag alalay sakanya dahil pag binitawan ko 'to ay matutumba sya panigurado,
"Shatap yooor aasss!" Singhal nya sakin,
"Tara na, umuwi na tayo, inaantok na ako." Seryosong sabi ni Gabie,
Iisang kotse ang ginamit namin dahil ihahatid ko silang lahat, kase naman ay si Nathan, Red at Airyne ay lasing talaga, at si Gabie ay tipsy narin at inaantok na,
Nasa front seat si Gabie habang ang tatlo ay naglalaban na ng hilikan,
"Gabie." Bigla ay nasabi ko,
![](https://img.wattpad.com/cover/160767893-288-k671200.jpg)
YOU ARE READING
Heart Beats
Fiksi RemajaSabi nila, ang mag kasalungat na tao ang magandang ipagpares, tahimik at maingay, Pero pano kung pagsamahin ang parehong tahimik at seryosong tao?