#OPMRR
Parallel 1.3 (past)
Year 2018
Malakas ang sigawan sa campus. I don't even know why. Hindi ko sure kung rally ba o ano. Pero hindi e. Iba 'yung sigawan nila. Ang daming babaeng sigaw ng sigaw.
"What's happening?" I asked Ky.
She shrugged. "Hindi ko din alam. Baka may artista na dumating," she said. Maybe? Kasi grabe mag-sigawan iyong mga babae.
Tumango ako sa kanya. I glanced at my wrist watch. "Shit." I blurted out. I suddenly remembered na I need to be in the gym nga pala in ten minutes! Kung hindi, malalagot ako nito!
"Why? Is there something wrong?"
Umiling ako kay Kylie. "Wala, pero kailangan ko ng umuna. Kailangan nga pala ako sa gym ngayon..." sabi ko.
She nodded. "Oh? Okay. Sige. Text mo na lang ako mamaya," aniya. Tumango ako at mabilis na tumakbo papuntang gym.
I was catching for my breath when I got there. Ang daming tao sa labas ng gym kaya naman nahirapan din akong pumasok. Ano ba talaga ang meron?
"Yan na pala si Orangey."
I rolled my eyes at Devyn. Asar talaga siya. "Bakit?" I asked, naglalakad papunta sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon, basta nandito sina Coach, mga players and even some faculty members.
"The new team member is here."
"Oh?" I blurted. Nandito na? Sino kaya? Kaya ba sigawan iyong mga babae? Kaya ba ang daming tao sa labas ng gym? Na-curious tuloy ako bigla? Ganoon ba talaga ka-gwapo 'yon at talagang hiyawan ang mga babae? Hmm. "Sino ba 'yon?" I asked.
Nag-shrug si Devyn. Ano nanaman kayang pakana nito? Then I saw Flavier coming near us. "Hey, Orange..."
"Uy! Sino 'yung bagong team member?" I asked him. Isa si Flavi sa mga hindi ako gaanong inaasar at binubully. Mabait siya. Lahat naman sila mabait, pero mga bully nga lang.
Siniko siya ni Devyn. "Don't tell her, Flavi. Just let her see it for herself."
Napaawang ang labi ko. What? Ano ba ang meron doon at ayaw nilang ipakilala sa akin?! Kaya ba wala akong ka-alam-alam? Siguro kinuntsaba din nila sina Coach! Dapat alam ko kung sino 'yung new member—assistant kaya ako ng Hilton University asketball team! Hays.
"Di ko alam kung ano ang meron! Bakit ba ayaw niyo na lang sabihin sa akin?"
Tumawa si Devyn. "Malalaman mo din naman e. Punta ka dun at ng makita mo." I rolled my eyes at him. "Tara."
Sabay-sabay kaming tatlo nag-lakad papunta doon kina Coach, kung nasaan ang new anonymous member ng team.
"Coach! Orange's here!" sabi ni Joey.
Nilingon ako ni Coach at nginitian. "Oh, nandito ka na pala. Meet the new member of UP basketball team."
Umalis si Coach sa harapan ng sinasabing "new" member ng team. At tyaka ko nakita kung sino iyon.
Kitang-kita ko ang pag-hagikhik ng mga players ng basketball team. What?! Seriously?! Inaasar ba nila ako?!
"Ayieee!" si Juan.
"Ha?" I asked them. Lahat sila may mga meaningful smiles! What the hell, 'di ba? Seryoso ba sila?
"River, tawag ni Coach sa new member ng team. Tumingin si River kay Coach, bagos ay sa akin. "Meet the basketball team's assistant, Orange."
Bigla akong itinulak ni William papalapit kay River. What? Nakakainis sila! Bakit ba nila ako inaasar?! "Orange," sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Kailangan professional lang.
Ngumiti siya sa akin. "River. River Rizziero," he said accepting my hand. At narinig ko nanaman ang mga kantyaw nila. I wanted to roll my eyes at them, kaso ang rude naman dahil nasa harapan pa ako ni River. I looked at him. "Nice meeting you, Orange."
And the moment he called me by my name, I knew that I'll be damned someday.
BINABASA MO ANG
Our Parallel Maybes (Edited Version)
RomanceYears after their break up, Orange saw her ex-boyfriend again, River. She then started remembering how parallel their worlds are. Even after all these years, she still had her maybes. Parallel are two lines that would never meet. Maybe: a mere possi...