Chapter 1
ALAS SIYETE na pasado nang umaga nang magising kami ni April,my tiger pet.Lunes ngayon at kailangan kong pumasok nang maaga dahil terror teacher ang makakaharap ko.Kaya lang,hindi ako pinalad na gumising ng maaga dahil puyat ako sa kapapanood ng Korean dramang Tempted at kakatawag nang kaibigan ko.
Binilisan ko nalang maligo at magbihis.Nagmadali na rin akong tumakbo papuntan sa may garahe para sumakay sa sasakyan at mabuti nalang na malapit lang ang school dito sa bahay."Kainis ka naman,Royal!Kanina pa ako sayo naghihintay!"reklamo nang nasa harapan ko.
Ayan agad ang naging bungad nang makarating't makababa ako galing sa parking lot.Ako pa ang sinisi kung ba't ako nalate nagising,eh siya nga itong tawag nang tawag.Tatawag-tawag wala namang kwenta yung mga pinagsasabi.Alam kong gutom nako dahil nararamdaman ko ang pagkalam nang sikmura ko at ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako nakapag almusal,makapag kape manlang ay hindi ko nagawa dahil nga sa malalate nako.Tinignan ko ang kaharap ko na kanina pa talak nang talak at nang makita niyang nakatingin ako't naka simangot ay...
"Ikaw kasi Alex!Sabi ko na kasing huwag mo nakong tawag-tawagan ayan tuloy nalate ako nang gising"sagot ko sabay nguso sa kaniya.
"Anong oras ka naba natulog at mukhang nalipasan mo pang kumain?"tanong niya sa 'kin.
"Hmp.Pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap dahil nagugutom nako?Hehehe"
"Sa susunod 'wag ka nang magpapalipas nang kain,okay?At sabihin mo muna dyan sa tiyan mo maghintay lang nang onting oras dahil makakarating na din tayo kaya cool ka lang hahaha"tinapik pa ako sa balikat ni Alex para bigyan ako ng kasiguruhang makakakain din ako.
"Opo,Papa."sabi ko sabay ngisi sa kaniya na tinapunan naman niya nang isang nakakamatay na tingin and if looks can kill patay nako ngayon.Nababadtrip kasi siya pagtinatawag ko siyang Papa or Kuya.
Nagmamadali naman akong pumuntang Cafeteria at ngayon ko lang napansing napaka onti lang ang mga naglalakad hindi pa naman time dahil may natitirapang sampung minuto bago mag first subject.Dahil sa pag titingin ko sa paligid ay hindi ko nakitang may mabubunggo pala ako narinig ko pang sumigaw si Alex pero huli na dahil nabangga nako.Si Alex naman,hindi magkamayaw na puntahan ako't tulungan na tumayo dahil napaupo ako.Hindi ko alam kung anong mailalabas kong imosyon,sakit ba dahil tumama ako sa pader o tawa dahil sa itsura ngayon nang kaharap ko.At hindi kona napigilan pang ilabas ang kanina pang gustong lumabas.
"Pfft--hahahahaha"sabay hampas sa sahig habang nakatingin sa kaniya.
Bigla namang nagsalubong ang dalawang mga makakapal na kilay ni Alex na mas lalo kong ikinatawa dahil nagmumukha siyang Angry Bird.Nang tignan ko ulit siya ay nakita kong wala na pala siya sa harap ko at nasa harapan na pala siya nang mga pagkain.Salubong parin ang kilay niya at nang tumingin siya dito sa direksyon ko ay nginitian ko ito nang pagkatamis-tamis na kinaasim nang kaniyang mukha.Natatawang naiiling na naglakad nalang ako papunta sa kaniya dahil halatang na badtrip ko nanaman siya.'Wag siyang mag-alala dahil mamaya ko nanaman siya babadtripin.
"Tss"halata talagang badtrip pero hindi niya ko matitiis.
"Oyy,sorry na, pretty please?"sabi ko sa kan'ya na magkahawak ang dalawang kamay at nagpuppy eyes na may kasamang nguso.
Napangiti nalang ako sa isipan ko nang makita kong iniwas niya ang tingin sa akin at nagpatuloy lang sa pagkuha nang mga pagkain.Tinignan ko ang mga pinagkukuha niya at napakunot noo nalang ako dahil lahat yon mga favorite's ko at mas lalong kumunot ang noo ko nang ilahad niya ang tray sa harapan ko.I tilted my head and scratch the top of my head because im confused.Hindi ko alam kung anong gagawin ko matataas naman grades ko at sabi nila matalino ako pero ba't ganon.Tinignan naman niya ako at bumuntong hininga.
YOU ARE READING
Behind The Mask
Teen FictionFrances Royal Dimitri is known as a beautiful, gifted, and cheerful student.All of the students and teachers in their school and in other schools love her not only because she is rich but because she is very intelligent.But they says that too often...