Chapter 1

68 1 0
                                    

Dedicated to my idol! Love na love q rin ung story niya!!!! Super duper ganda! Promise!

_____________________________________________________________________________

3 YEARS EARLIER...

===EUPHY’S POV===

“EUPHY! Kausapin mo naman ako! Halos isang linggo mo na akong hindi kinakausap!” pakiusap sakin ni Zack. Nandito kami ngayon sa park at halos kaming dalawa lang ang tao.

“Anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?” gulat kong sabi sakanya. Dapat ako lang mag isa dito sa park para mapag isa tapos sinusundan na pala ako ng tarantadong ito.

“Actually, Oo, sinundan talaga kita. Hindi muna ako nagpakita sayo kasi alam kong hindi mo ako kakausapin. Buti na lang pala at dito ka pumunta, walang masyadong tao kaya pwede kitang makausap. Kaya Euphy, please kausapin mo naman ako, kahit ngayon lang!” pagdadahilan niya

“Wala na akong magagawa eh! Nasundan mo na ako! If we we’re just gonna talk about last week, ENOUGH of it!!!!” galit kong sabi sakanya.

“Kaya nga nandito ako para iexplain sayo lahat ng nangyari!” wika niya.

“I DON’T CARE ABOUT YOUR FUCKING EXPLANATION! Nakita mismo ng dalawang mata ko ang nangyari,huwag ka nang mag deny!” sigaw ko sa kanya

“What you saw was nothing! Hindi ko alam kung paano nangyari yun, basta ang alam ko bigla na lang akong hinalikan ni Nicole” paliwanag niya.

Naiinis talaga ako at the same time nagagalit! Kaya kami hindi ok ngayon dahil sa kanya. Nakita ko lang naman siyang nakikipaghalikan sa SLUT naming kaklase na si NICOLE.

“Sabihin mo lang na nasarapan ka sa halik ni Nicole! BULLSHIT! Makaalis na nga!” sabi ko. Mag wowalkout na sana ako ng hinigit niya ang wrist ko at saka ako niyakap.

“Hinding hindi ko kayang lokohin ka Euphy! Maniwala ka! I LOVE YOU!” sabi niya. Hindi na napigilan ng mga luha ko na magsipatakan.

“Zack! It’s the SECOND TIME! Do you think I would still believe in your lies? PAANO MO SAKIN NAGAWA LAHAT NG ITO??!!” sabi ko sakanya habang nagpupumiglas sa yakap niya at the same time umiiyak.

Yap! It’s the SECOND TIME na nakita ko sila ni Nicole na naghahalikan. Yung sa una, nasaktan ako at nagalit kaso sinabi sakin ni Zack na hindi yun totoo. Hinalikan siya ni Nicole para raw pagselosin ako. AT NANIWALA NAMAN AKO SA MGA SINABI NIYA! What the fuck talaga!

At ngayon, naulit na naman, Sa tingin niya, maniniwala pa ako sa mga dakilang kasinungalingan? ASA SIYA.

“PLEASE BELIEVE ME! Alam mo namang patay na patay si Nicole sakin kaya gagawin niya ang lahat para lang mapaghiwalay tayo.”

“NO!” sabi ko sakanya. Ayaw nang tumigil sa pagpatak ang aking mga pesteng luha.

“Euphy, I love you” bulong niya sakin.

“Bakit ba palagi mo na lang akong nasasaktan” sabi ko sa kanya.

“I’m sorry! Let’s start all over again, I love you!”

“I said no! Dahil palagi mo na lang akong sinasaktan. Akala mo hindi ko alam yung tungkol sa pustahan?!” nakakalas din ako sa yakap niya. And this time, hinarap ko siya.

“W-what do you mean?” tanong niya sakin. Halatang nagulat siya.

“O diba, nauutal ka. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko”

“About dun sa PUSTAHAN, totooo yun! Pero wala na yun! Sino nagsabi nun sayo?”

Pinagpustahan lang ako nina Zack para maging girlfriend niya. Nalaman ko yun nung nag away sila ng kaibigan niya. Sinabi niya sakin lahat lahat. Susugurin ko na sana si Zack nun kaso yung isa naman nilang kaibigan pinigilan ako, sinabi sakin na wala na yun. Na yung pustahan na yun, binasura na at seryoso na sa akin si Zack. Dahil naman sa mga pinapakita sakin ni Zack na pagiging sweet kaya ako naniwala.

Still The One...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon