Sinabi nila, “Kaya pala ang ganda ng pakiramdam natin habang kinakausap niya tayo sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan.” Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang 11 apostol at ang iba pa nilang kasamahan. Pinag-uusapan nilang, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Pedro.” Ikinuwento naman ng dalawang galing Emaus ang nangyari sa kanila sa daan, at kung paano nila nakilala si Jesus nang paghahati-hatiin niya ang tinapay.
Lucas 24:32-35 ASND
Anak, nakakagaan ba ang iyong loob kapag ako'y iyong kausap? Napapawi ba ang iyong mga lungkot at mga problema kapag ako'y iyong kausap? Naliwanagan ka ba at puso mo'y muling nabuhayan?
Oh Ama, di mo lang alam kung gaano ako nananabik sa iyong presensya, sa iyong mga salita na tunay na nagpapaalab ng akinh puso. Nawawala ang aking mga alalahanin at pagkabalisa kapag muli mong pinapaalala ang iyong pangako sa akin. Napapalitan ito ng pagibig at kagalakan na hindi kayang pantayan. May pagkakataon man na bagsak na at animo'y wala nang pagasa, anjan ka upang panumbalikin ang aking lakas at ibangon sa pagkakasadlak. Pinapanumbalik mo ang aking pagtitiwala at mas lalong pinapalakas ang aking pananalig sa iyo.
Ama, patuloy mo akong samahan, wag na wag mong hahayaan ni isang segundo ay maalis ang tingin sa akin, pagkat madali akong magkasala at nahihirapan ngunit sa iyong pagtatama ay ito ay maiibsan at maitatama. Patuloy mo po akong kausapin at matuto akong laging nakahilig sa inyong presensya.Salamat Ama, kayo na po ang bahala at magsaayos ng lahat lahat sa akin. Sa tanging pangalan ng Dakilang si Jesus, Amen 🔥
YOU ARE READING
Tune-up your Heart in 30 Days!
EspiritualA 30 days Challenge that will help you to tune your heart from Spiritual Heart Disease, help to guard your Heart against all the bitterness and pain of life, teach us to have a heart of Servant and to make our heart burning with Joy, peace, and Lov...