Worldy Treasure to Heavenly Treasure!

17 2 0
                                    

Matthew 19:16-22

May isang lalaki naman na lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano po ba ang mabuti kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, at walang iba k...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May isang lalaki naman na lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano po ba ang mabuti kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Dios. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” “Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong ama at ina, at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”  Sinabi ng binata, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ba ang kulang sa akin?” Sumagot si Jesus, “Kung nais mong maging ganap sa harap ng Dios , umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.” Nang marinig iyon ng binata, umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya.

Ano ang nais ng Diyos para sa akin?

Anak, surrender mo sa akin ang lahat ng mga bagay na mahahalaga sa iyo dito sa mundo, mga bagay na lubos mong pinahahalagaan. Wag mong mahalin ang mga bagay na pansamantala lang at madaling mawala.

At hayaan mo akong magpuno ng lahat ng mga pangangailangan mo. Sumunod ka sa akin at lahat ng ito ay ipagkakaloob ko sa iyo.

Prayer

Ama, lahat po ng mga bagay na ito ay isinuko ko na sa iyo, kung may nakikita ka pa sa akin ay hayaan ko po na ibigay ito sa inyo. SURRENDER na po ako at magtitiwala po ako na kayo na ang bahala sa lahat ng mga pangangailangan ko. Susunod lang ako sa inyo sapagkat ikaw po ang nakakaalam ng mga panukala at plano sa aking buhay.
Salamat po sa pagtingin nyo na puno ng Pag-ibig. Salamat po sa pag-asa. Nananalig po ako sa inyo. In Jesus Name. AMEN 😍

Tune-up your Heart in 30 Days!Where stories live. Discover now