*One Shot Short Story**
Another very inspiring short story that will paint your heart for happiness, soul for joy and mind for peace. (tama na english. Yan lang kaya ng nasa utak ko.) XD
Colours will Fade.
By ImTheRocketeer
+++
"Sampung taon nang nakakalipas pero siya pa rin ang object mo."
"Siya lang kasi ang nasa isip ko."
"Painting ka nga ng painting pero halos pare-parehas lang sa iba." pagtapos niyang magsalita ay sabay lapag ko na ng brushes at oil paints sa table na nasa tabi ko.
In every single hour, minute and second siya at siya lang ang nasa isip ko. Kaya sa bawat paintings na nagagawa ko, siya lagi ang object ko. Umisip man ako ng iba, ang magaganda niyang mga mata ang laging kinauuwian ko. Si Aubrey Villamarin. Si Aubrey ang babaeng sadyang minahal ko noon at hanggang ngayon.
Ni isang bes ay hindi niya ako napapansin. Hindi pa kami nakakapagusap, nagkakakilala at naging magkaibigan. Hindi niya alam siguro na may King Jose sa mundo niya dahil kahit minsan hindi kami nagkaroon ng conversation..
Paano ko ba siya nagustuhan at minahal ng ganito ? Simula pa nung mga high school pa lang kami, hinangaan ko na siya sa angking talino, talento at kagandahan. Di ko siya classmate noon, ka-batch ko lang. Parati ko siyang tinitignan sa malayo na kahit masakit sa na mata tinitiis ko para lang makita ang taong pinakamamahal ko.
Pero nung isang araw, nakita ko siya sa isang lugar na magisa lang siya. Binalak ko na lapitan pero nagaalangan ako dahil baka hindi niya lang ako pansinin pero dahil sa sobrang kagustuhang makausap siya, sinubukan kong lapitan si Aubrey. Napatigil din naman ako kaagad sa nakita ko...
May nauna na sa akin makapunta kay Aubrey. Napatulala ako at unti unting tumulo ang mga luha ko. Nakita ko silang magkayakap at mukang masayang masaya si Aubrey. At sa tingin ko, yun na ata ang huli kong kita sa kanya.
+++
Sa isang park at nakaupo ako sa bench. Dito ako madalas, nagrerelax. Hawak hawak ang isang lapis at kapirasong papel. Nagiisip kung anong pwedeng maidrawing sa isang kapirasong papel. Nung inumpisahan ko, mga matang mapupungaw ang una kong nailagay. Isa na namang larawan ang mabubuo ko nito. Si Aubrey ulit. Itinigil ko at itinupi tupi na lang ang papel at inilagay na lang sa bulsa.
Sa kabilang dulo ng bench kung saan ako nakaupo ay may tumabing babae. Mahabang buhok na kasing kulay ng kanyang maitim na mata. Kasing pula ng rosas ang kanyang mga labi na bumagay sa kanyang muka. Malaperlas na sa kaputian at kinis ng kanyang balat. May napansin ako sa kanyang mata na para bang punong puno ito ng kalungkutan at may pagkakaparehas ito kay Aubrey.. Kaya ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang babaeng umupo sa bench ay si Aubrey at dahil don, napatingin na lang ako sa mga ulap.
"Hi Mr.." bigla naman akong napadilat dahil sa naarinig kong nagsalita yung babae.
"Hello." matipid kong sagot sa kanyang bati.
"Ahmmm.. I just wanna know, this pencil is belong to you ? Am I right ?" sabay abot sa akin ng lapis at oo, aking nga. Di ko napansin na wala na pala sa akin ang gamit ko.
"Yes." sabay kuha ko ng panulat na inaabot niya.
"Well. Can I ask another question ?"
"Of course. What is it ?"
"Do you experience the feeling of being in love ?" the question stunned me. Anong klaseng tanong to ? "Oh no Mr ! Don't take personally. That is the only thing bothers my mind.."
"It's ok. About your question, yes. I experience the feeling of being in love. I feel that since my adolescent stage until now." napapansin kong parang nagtetake down siya ng note sa mga palad niya pero di ko na lang pinansin dahil baka isa siyang journalist at kailangan niyang maginterview ng mga normal na tao.
"That's nice answer." sabay tumayo na siya at hinawi ang kanyang mahabang buhok. "I have to go, Mr ???" abot niya ng kamay niya na parang makikipagshake hands. Agad naman akong tumayo para tugunan ang kanyang munting tanong.
"King Jose." at nagshake hands kami. Sa pagkakahawak namin ng kamay parang may kuryente akong naramdaman. Parang nagiba ang kutob ko sa kanya.
"Well, nice to meet you Mr. King." sabay talikod na niya sa akin. Di man lang niya binanggit sa akin ang pangalan niya. "And by the way, I'm Aubrey O'Brien." at tuluyan na nga siyang umalis at sumakay sa isang sasakyan.
Naiwan akong nakatayo kung saan niya ako iniwan.. Kapangalan niya si Aubrey at sana totoo na siya na talaga si Aubrey na matagal ko nang inaasam na makilala ako. Pero mukang malabo mangyari ang gusto ko dahil magkaiba sila ng apelido. Sadyang sa pangalan lang sila nagkatulad.
Umupo ako ulit sa bench at may nakita akong nakaipit na papel. Kinuha ko at binuklat. May nakasulat dito at ang sabi.... "It's been 10 years nagkita ulit tayo. Sa tingin ko, di mo ako kilala at hindi mo ko pansin dahil nakikita kong masaya ka sa mga kaibigan mo. Ka-batch kita noong mga high school pa lang tayo. Matagal din akong naghintay na magkaroon sana ako ng lakas ng loob para makapagconfess sayo pero bigla bigla ka na lang nawawala sa paningin ko. Sayang at hindi ikaw ang nagabang sa akin sa may altar. Sayang at hindi ikaw ang napakasalan ko at naging asawa.. --Aubrey Villamarin O'Brien.
Fin.
+++
Kryster's Note: Waaaah ! Hahaha ! Kamusta guys ? Wala lang. Pang epal lang tong note na to. XD
Sana guys, nagustuhan niyo kahit papano tong short story na to. HEHEHE. Masakit ba ? De joke lang.. Salamat po sa pagtyatyagang pagbasa. Tandaan niyo po, kayo lang po ang nagpapasaya kay Kryster Lou. ^_^
BINABASA MO ANG
ImTheRocketeer Short Story**
RomanceWAAA~~ This time etong mga short story na to ay akin na talaga.~~ Wohooo~ Konti pa lang siya at patuloy ko pa ring ipagpapatuloy ito. Sadyang pinagkakaabalahan ko lang talaga ang on-going story ko. HEHEHE. Ang mga short story kong ito ay umiikot sa...