ImTheRocketeer Short Story**
This short story was about the man who can't forget loving to the person that he been waiting for so many days, months and years. When he will be happy if they will meet again or he just going to move on and walk away?
Let's know what will happen to this man who can't be moved! I hope you like it! Thank you so much! (:
Corner Of The Street.
By ImTheRocketeer
+++
Hanggang kailan mo kaya kayang maghintay sa taong di mo alam kung babalik pa ba? Handa ka bang tanggapin ang lahat kung meron na siyang ibang kasama at minamahal? Ang sakit isipin na kung sino pa ang sobra mong minahal ay hindi pala siya para sayo...
Andito na naman ako sa lugar kung saan una kaming nagkakilala at dito na rin kami huling nagkita..
Hindi ako nagmimintis ni isang araw na pumunta dito at maghintay. Halos marami na ngang nakakapansin sa akin dahil sa paaraw araw kong pagpunta dito pero kahit ganoon, di ko na lang sila pinapansin. Ang mas nasa isip ko lang ngayon ang taong alam kong nasa isip ko na babalik siya at tutuparin ang pangako namin sa isa't isa.
May isang bagay na magpapaalala sa kanya ng lahat ng mga pinagsamahan.. Ang silver wing necklace na may kabiyak itong isa pang pakpak na nasa kanya naman.
Flashback......
"Promise mo sa akin Joseph na hindi mo ako kakalimutan huh." with raising her right hand sign of promising
"Basta, ipromise mo din sa akin na babalik ka Monica." at itinaas ko din ang kanang kamay ko at sabay kaming nagngitian.
End Of Flashback...
Simula mga bata pa lang kami, nangako na kami sa isa't isa na walang magkakalimutan at walang mangiiwan. Pero bakit ngayon, parang nakalimutan na niya at iniwan na ako? Dalawang dekada na ang lumipas pero kahit isang sulat o isang tawag, wala akong natanggap. Sadyang nilimot na niya kaya ang lahat? Bakit ako ay sadyang nandito pa rin at naghihintay na parang wala na?
"Uy! Nanjan ka na naman? Mukang uulan, umuwi ka na muna!" may kumausap sa akin, pamilyar na muka pero di ko siya kilala sa pangalan.
"Ok lang ako dito. Kailangan ko siyang hintayin baka sa pagalis ko, saka naman siya dumating.." sagot ko sa kanya.
"Aah. Ganon ba... Pero kung gusto mo kapag may naghanap, sasabihin ko na lang sayo.." pagaalok ng lalaki. Sadyang gusto na niya akong makauwi. Dis oras na rin ng gabi at mukang uulan dahil walang bituin sa langit.
"Talaga? Gagawin mo yon?"
"Oo! Kesa naman magkasakit ka edi mas lalo ka pang hindi makapunta at makapaghintay dito."
"Kapag dumating siya, sabihin mo na hinintay ko siya ng napakatagal sa lugar na to. Ang alam ko kasi, dito siya unang pupunta kapag hinanap niya ko.. Naniniwala ako don.." sabay kinuha ko ang wallet ko na nasa bulsa at binigayan ko siya ng calling card ko. "Dito mo na lang ako contactkin kapag nakita mo siya huh."
"Oo oo. Wag kang magaalala, kapag nakita ko siya ikaw ang unang makakaalam." ngitian ko na lang siya na parang sinasabing salamat sayo.
+++
Lumipas ang magdamag, umaasa akong tatawagan ako nung lalaking kumausap sa akin pero wala akong natanggap.. Susubukan kong pumunta ngayon doon para tignan, sa tingin ko naman na hindi uulan at magdadala na lang ako ng payong..
BINABASA MO ANG
ImTheRocketeer Short Story**
RomanceWAAA~~ This time etong mga short story na to ay akin na talaga.~~ Wohooo~ Konti pa lang siya at patuloy ko pa ring ipagpapatuloy ito. Sadyang pinagkakaabalahan ko lang talaga ang on-going story ko. HEHEHE. Ang mga short story kong ito ay umiikot sa...