ImTheRocketeer Short Story**
This story about a man who gave love. But when will he be happy if someday the girl that he loved is lost all the memories?
Another short story that our heart will touch in every moment, so keep on reading and enjoy! Thank you so much guys!
The Lost Picture.
By ImTheRocketeer
+++
"Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nasa hospital?"
Masakit isipin na lahat ng bagay, pangyayari at alala na kasama ang taong mahal mo ay hindi niya maalala. Masakit marinig mula sa kanya ang mga tanong na "Sino ka?" dahil halos 5 taon kayong magkasama ay hindi ka na niya maalala dahil lang sa isang malagim na aksidente...
Ang mga pangyayari na akala mo ay magiging happy ending na, lahat naman ng ito ay nagbago.. 5th year anniversary pa namin ni Anjoy Toledo nangyari ang nagpabago sa buhay ko.
"Hello bhe? Pababa na ako ng bus." sabi ni Anj na nasa kabilang linya.
"Osige bhe. Ingat ka jan huh.. Alam mo naman, malapit na tayong magpakasal. Hehehe." tuwang tuwa ako dahil malapit na dumating si Anj dito sa Bellevue hotel. Dito kami magcecelebrate 5th year anniversary namin.
"Babye na muna bhe. Masyadong maingay dito sa kalsada e. I call you later na lang po. I love you Mr. Paulo Louis Robredo. Mwaaah!" sabay baba na niya ng telepono.
Sobrang excited ako. Parang feeling ko ikakasal na ko. Sobra ko din kasing mahal si Anj kaya ganito na lang ang nararamdaman ko.
*PSSSSSSHING!**
Aabutin ko sana ang isang baso ng tubig na nasa tabi ko pero hindi ko ito nahawakan ng maayos kaya nabasag ito
Nagiba ang pakiramdam ko sa nangyari, pero di ko na lang pinansin. Sobrang excited siguro kaya kaya natataranta ako..
.
.
.
.
.
.
.
.
1 hour and 49 minutes past..
Halos magdadalawang oras na ako dito wala pa rin si Anj. Wala rin akong natatanggap na tawag o text na galing sa kanya. Nagsisimula na akong magalala, ni hindi ko man lang alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon.
Habang naghihintay, lumabas muna ako ng hotel. Pumunta muna ako sa pinakamalapit na flower shop. Ayokong magpanic, sadyang natagalan lang siguro siya sa daan kaya hanggang ngayon wala pa rin siya.
"Miss, one bouquet ng tulips please."
"Ok sr." kumuha na yung babae ng binibili ko.
"Here sr." pagkaabot niya ng mga bulaklak, abot ko na rin ng bayad.
"Thank you." sabay talikod ko na sa counter.
"BREAKING NEWS: Kakapasok na balita. Isang babae na nasagasaan ng ten wheeler truck dito sa may Alabang, Muntinglupa City." sabi ng anchor sa news. Nakaagaw ito ng pansin sa akin dahil sobrang kawawa naman yung babae. Walang kalaban laban na nasagasaan ng malaking truck. "Agad namang nailigatas ng mga otoridad ang babaeng naaksidente sa pangyayari at naisugod na ito sa malapit na ospital." sunod na sinabi ng news anchor.
BINABASA MO ANG
ImTheRocketeer Short Story**
RomanceWAAA~~ This time etong mga short story na to ay akin na talaga.~~ Wohooo~ Konti pa lang siya at patuloy ko pa ring ipagpapatuloy ito. Sadyang pinagkakaabalahan ko lang talaga ang on-going story ko. HEHEHE. Ang mga short story kong ito ay umiikot sa...