Chapter 1

47 0 0
                                    

March 2012

"Ok class bukas na ang deadline ng submission ng Reply Slip nyo  para sa Graduation..." 

"Sandra, pupunta Daddy mo sa Grad?" Tanong ng kaklaseng si Kate.

"Bahala siya, Kung ayaw.. edi ayaw... " Sagot ni Sandra.

"Huh? e yung Mommy mo? Di ba siya uuwi?" Tanog ulit nito.

" Ewan ko nga.. Wag ka ngang matanong..." Asar ni Sandra.

Isa si Sandra sa mga Suki ng Principal's Office dahil sa pagiging magulo at palasagot sa mga teachers. Kadalasan siya ang nagpapasimuno ng pag-cucutting lalo na sa kanilang Social Studies Subject dahil.. "Ano bang trip nila? E History na nga di ba? Ang importante ung Ngayon."

Nagka-ganyan lang si Sandra mula ng maghiwalay ang mga magulang niya.. Nasa Canada ang mommy niya at may negosyo naman ang daddy niya.. kaya hindi na siya naasikaso ng mga ito. Laging wala sa bahay at mahilig makipag-gimik kasama ang mga barkada.

Ang boyfriend niyang si Joseph ang laging kasama nito.. Hindi nagkakalayo ang ugali nilang dalawa.. Mas malala nga lang yung isa. Walang kasiguraduhan ang pag-Graduate niya. At pati ang Adviser nila ay susuko na sa kanya.

Gising. Kain. Ligo. Pasok. Half-Day-Half Day. Gagabihin ng uwi. Matutulog.

Ganyan na ang kinasanayang buhay ni Sandra. Isang beses ay tumawag ang mommy nya at sinabing hindi ito makakapunta sa Graduation niya. Galit ang naramdaman niya kaya nagpunta ito sa Bar at nakipag-inuman kasama ang mga barkada.. Nang biglang dumating ang Daddy niya..

" Wala ka na bang ibang alam na gawin sa Buhay mo?!" Galit na sabi ng kanyang ama.

" Ikaw? Meron ba? Pinabayaan niyo ako e! Ngayon.. Bahala kayo!" Sagot ni Sandra.

"Wag mo kaming sisisihin dahil ikaw ang pumili nyan! Umuwi na tayo!"

"Hindi ako uuwi!" giit ni Sandra.

"Uuwi ka o ipahihiya kita dito? Tanong ng kanyang ama.

Hindi na naka-imik si Sandra at sumama na ito sa kanyang Daddy. Lasing na lasing si Sandra ng gabing iyon kaya minabuti ng Daddy nya na bukas na lang ito kausapin. 

A Time Travel with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon