Chapter 7

7 0 0
                                    

Sabado, Abril 2012

Gabi. 

"Tara inuman tayo!" sigaw ni Joseph.

"Shut Up!" utos ni Sandra.

"Ito ang KJ neto. Napunta lang sa proinsiya nagkakaganyan na. Gumagaya ka na sa Lolo mo." Sabi ng isa sa mga mag-boboyfriend.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Sandra na may halong pagka-inis.

Alam na ng ibang magkaka-grupo na naiinis na ito kaya sinubukan na nilang pigilan si Sandra.

"Sands, tama na yan." awat ni Jess.

"Kung wala kang sasabihing maganda, Shut the F**ck up!" sagot ni Sandra.

Narinig ng kanyang lolo ang pag-aaway ng mag-babarkada. Tinawag niya si Sandra sa itaas at kinausap ito.

"Apo, kung hindi ka kayang respetuhin ng mga kaibigan mo, pauwiin  mo na lang sila. Wag mong hayaan na ako pa ang magpaalis sa kanila, Hindi nila magugustuhan." sabi ng kanyang lolo."

Hindi makapaniwala si Sandra sa sinabi ng kanyang lolo. Bihira lang ito magsalita at ni-minsan ay hindi sumagi sa isip niya na kaya itong sabihin ng kanyang Lolo Alfonso.

Bumaba ka-agad ito at sinabihan si Jess na umuwi na kinabukasan. Naintindihan siya nito, pero ang iba sa kanyang mga kabarkada ay hindi nagustihan ang kanyang pinakita. Hindi man lang daw naging hospitable. 

Linggo, Abril 2012

"Sige Sands! Kitakits na lang sa pagkuha ng T.O.R.!" ngiting bati ng kanyang kaibigang si Jess.

"Bye Sandra. Badtrip kasi tong mga to.." bulong ni Joseph sa kanya.

Hinatid na ni Sandra ang mga barkada niya sa Istasyon ng Tren. At, hindi na ito hinintay pang makasakay. Dahil, may usapan sila ng kanyang lolo na magsisimba. 

A Time Travel with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon