Chapter 8

12 0 0
                                    

Linggo, Abril 2012

Nagtutunugan na ang kampana ng Simbahan. Dahil hinatid pa ni Sandra ang kanyang mga barkada sa istasyon ng Tren, ikatlong misa na ng simbahan ang na-attendan nito.

"Sa ngalan ng anak, at Ama at ng Espisitu Santo..."

"Amen."

Pagtapos na pagtapos ng misa ay agad ng bumili ng kandila ang kanyang lolo at nagsindi ito sa may glid ng simbahan.

"Lolo, para saan po yan?" tanong ni Sandra.

"Para sa Lola Juliana mo." sagot ng kanyang lolo.

"Huh? e.."

"Shh.." pagpapatahimik ng kanyang lolo sa kanya habang nagdadasal.

Hindi na nagsalita si Sandra. Pero bumubuo na sa isip nito ang mga katanungan: "Ano ang itsura ni Lola Juliana?" "Bakit hindi ko manlang siya naabutan?" "Mabait ba siya?"

Hangga't maari ay ayaw ng kanyang lolo na napag-uusapan ang kanyang lola Juliana. 

Pero alam na alam ng daddy ni Sandra ang lovestory ng dalawang matanda.

Langit daw ang kanyang Lola Juliana at Lupa naman ang kanyang Lolo Alfonso.

Pagmemekaniko ang trabaho ng kanyang lolo noon sa pamilya ng kanyang lola. Sina Don Roberto at Donya Juanita ang ngalan ng mga magulang ni Lola Juliana.

Simula ata pa lang ay nagkakagustuhan na ang dalawa. Kaya ng malapit na itong magdalaga ay dinala na ito sa Maynila upang mag-aral. Masakit para kay Alfonso ito, dahil bago man ito umalis ay hindi niya nasabi ang kanyang totoong nararamdaman. 

Dumating ang edad na 17 at bumalik si Juliana sa probinsya. At doon na muli nagkita ang dalawa. Wala ng pangdadalawang isip at  niligiwan na ni Alfonso ang dalaga. Binibigyan ito ng paborito niyang bulaklak; ang Gumamela. Nagsusulatan ito at lagi silang palihim na nagkikita sa may tabing ilog habang nasa Amerika ang mga magulang ni Juliana.

Ngunit pagbalik ng mga magulang nito, ay nagulantang sila sa kanilang ibinalita. Isasama na daw nila si Juliana sa Amerika at hindi na maka-babalik pa ito sa Pilipinas.

Agad na nagsulat si Juliana sa kanya at pina-abot ito sa kababata ni Alfonso, si Fidel. Agad itong dinala ni Fidel at sinagot naman ito. Nagplano sila ng pagtatanan. 

Dumating ang gabi na kanilang hinihintay, nagkita sila sa tabing ilog at nakahanda na doon ang bangkang kanilang sasakyan papunta sa kabilang isla.

Nagtayo na muna ng maliit na bahay si Alfonso sa isla at doon na muna sila nanirahan. Nabuntis si Juliana at ito ang ama ni Sandra.

Pinaghahanap na sila ng mga magulang ni Juliana. Sa takot nito, na baka magkasakit ang kanyang ina dahil sa pag-aalala, bumalik ito at humingi silang dalawa ng pagpapatawad.  Agad namang tinanggap ito pero napagka-sunduan nila na hindi maka-tatanggap ng kahit singkong duling na mana si Juliana mula sa kanyang mga magulang. 

Pero dahil sa pagsusumikap nilang mag-asawa, naitaguyod nila ang kanilang pamilya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Time Travel with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon