Chapter 5

7 0 0
                                    

Lunes, Abril 2012

"Alfonso dela Cruz "

"Matandang tahimik at walang ginawa kundi mag-imbento ng mga bagay-bagay na Out of this World." sabi ni Sandra habang kausap si Joseph sa cellphone.

"Gusto mo sumunod na lang kami diyan? We can have a vacation with you." tanong ni Joseph.

"Sige, pero kelan?"

"What about Friday?" 

"Ok.. I'll ask. Bye." sagot ni Sandra.

"Bye."

- - - - - -

Sa sobrang ka-boringan natuto mag linis ng bahay si Sandra, maaga na din siyang gumising, at natuto na ding magluto kahit pa-prito-prito lang.

Isang araw ay nag-alarm ng maaga si Sandra para linisin ang isang silid sa ground Floor ng bahay. Bitbit niya na ang walis at dust pan. Pagbukas ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang isang makina na may nakatakip na puting tela. Hinawakan ang dulo ng tela at sabay hinila. Nagulat siya sa itsura nito..

"Shit! Time Machine?!" gulat at may halong pagka-bilib.

"SANDRA!!" sigaw ng kanyang lolo.

"Wag na wag mong gagalawin yan! Lumabas ka dito! Labas!"

Gulat na gulat na si Sandra sa naging reaksyon ng kanyang Lolo Alfonso at dali-dali na itong lumabas ng silid bitbit pa din ang dust pan at walis. Sa takot ay tumakbo ito papunta sa kanyang kwarto at nag-lock. Hindi na din ito sumabay sa Hapunan dahil, iniisip nyang baka galit pa ang kanyang lolo. 

A Time Travel with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon