ARRA'S POV
"Hey guys, tabi tayo. Baka bugbugin pa tayo nyan."
"Oh em. I don't know how the hell she've enrolled in our school. Like duh, babae ba sya? Mukha siyang lalaki!"
"Yeah girl. Siguro she used some spell to make pasok here. You know, mukha naman syang witch."
"Hey anong witch? Baka bitch hahaha"
"Oh yeah mas bagay sa kanya yun girl. Serves her right."
Pinilit ko na lang 'di pansinin yung mga tao sa paligid na pinagp-pyestahan nanaman ng tsismis ang kagandahan ko. Ang aga-aga, yan agad ang inaatupag.
Ang sarap ng agahan nila no? Rare 'to.
Dalawang linggo pa lamang ang lumipas mula nang magsimula ang klase pero heto't sikat na agad ako. I'm a first year electrical engineering student.
Wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko naman laway yung nasasayang. Di ko rin naman ikamamatay yang tsismis nila at lalong wala naman akong pakialam sa kanila tss.
Well, feeling ko isa akong sikat na artista. Maraming bashers, may fans, at tinatahian ng mga fake news.
Napahinto ako sa paglalakad dito sa gitna ng school grounds papunta sa building kung saan kami nagr-room nang may isang payatot na lalaki ang biglang sumulpot sa daraanan ko. Mayroon itong suot na makapal na salamin, kachupoy na buhok, mala-lead refill ng mechanical pencil sa kapayatan, at braces na halos lumuwa na sa bibig nya.
Ugh, nerd.
Humakbang uli ako para lagpasan siya nang harangin niya ako.
"Ah-ahm... A-ano..." Nauutal na salita nito na animo'y walang mahagilap na sasabihin.
Inilibot ko ang paningin ko at sa 'di kalayuan ay may nakita akong grupo ng kalalakihan na nagtatawan habang nakamasid sa kinaroroonan namin.
Ibinalik ko ang paningin ko sa payatot na taong nasa harapan ko pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang may inilahad siyang kahon sa harapan ko. Kapansin-pansin pang labis siyang nanginginig na parang takot na takot. Ni hindi nga nya magawang tumingin ng diretso sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Ano na naman bang katarantaduhan 'to?
Agad na sumibol ang mga bulung-bulungan sa paligid ko na syempre, ako nanaman ang main ingredient.
"Hala, anong ginagawa ng nerdy na yun? Gusto ba niyang mamatay?"
"Takte pare kawawa naman yun oh. Parang maiihi na sa pantalon hahaha."
"Oh em. May bago nanamang mabibiktima ng pambubugbog niya. Gosh, baka maospital si nerdy!"
"Si Emman yun ah! May gusto sya dyan?".
"Ang galing mo gumawa ng dare tol ha? Nangingiyak na sya oh! Apir!"
Agad kong hinanap yung lalaking huli kong narinig na nagsalita at tinignan ng masama. How dare they para idamay ako sa kalokohan nila. Agad naman silang napaiwas ng tingin na parang walang nangyari.
"P-p-para sayo A-arra." Nakayukong alok sa akin nung nerd na halos sumayad na sa lupa yung ulo dahil sa pagkakayuko niya.
Matagal ko siyang titigan bago ko kinuha yung inaabot niya. Isang box ng chocolate. Ayos na trip to ah. Biyaya ng langit. Bahagya pa siyang napatalon nang kunin ko iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Enthralled: The Black Chronicle
FantasíaBeing devoured by vengeance and sorrow, Axiarra grew up gorgeous, strong, and an ice-cold-bitch with no other purpose in life aside from getting even with her parents' unknown murderer. After being a mafia reaper, she soon discovers that she's an ex...