✡ Chapter 2 ✡

29 0 0
                                    



ARRA'S POV





*KRUUUUUUUU*

"Aww." Agad akong napahawak sa sikmura ko nang marinig ko ang mahiwagang tunog ng pagkagutom. Napatingin ako sa cellphone ko para malaman lang na 6:30 na pala ng gabi.

"Gutom na'ko tss." Wala akong magawa kundi himasin na lamang ang nagwawala kong sikmura habang aalog-alog na nakasakay dito sa tricycle.

Bakit ba naman kasi ngayon pa nagpatawag ng meeting potak.

"Dyan lang sa tabi manong." Pagpara ko sa tapat ng isang madilim na kanto. "Bayad."

Kapansin-pansin ang alanganing tingin sa akin nitong matandang driver. "Sigurado ka bang dito ka lang iha? Delikadong maglakad ng mag-isa sa lugar na'to lalo na at gabi na. Maraming mga tambay dyan sa gilid." Bakas pa sa boses niya ang pag-aalala.

Tanging pagtango na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Sige. Mag-iingat ka iha." Habilin pa niya bago tuluyang paandarin ang minamanehong sasakyan.

Habang nakatanaw sa papaalis na sasakyan ay may nahagip na pigura ang paningin ko. Sa may bubong ng isang malaking bahay ay may silhouette ng isang tao. Kabilugan ng buwan ngayon kaya't kapansin-pansin ang pagtangay ng hangin sa kanyang damit.

Napatabi ako nang may bumusina sa likod ko. Nakatayo pa rin pala ako dito sa may kalsada tsk.

Pagtingin ko ulit doon sa may bubong ay wala na yung pigura kanina.

Kasabay ng pagdapo ng malamig na hangin ng gabi ay ang muling pagtunog ng tiyan ko. 

Nyeta gutom na nga yata talaga ako tsk.

Nagtingin-tingin ako sa paligid, nagbabakasakaling may mabibilhan ng pagkain pero sarado na agad ang mga tindahan.

No choice. Tiis gutom muna ang magandang ito.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at tsaka nagsimula nang maglakad sa madilim na kalye.

Kinatatakutan ang lugar na ito, mapa-araw man o gabi dahil maraming mga gangster ang pakalat-kalat dito.

Lumipas ang ilang minutong lakaran nang makarating ako sa tapat ng isang lumang gusali. Dati itong isang commercial building pero ngayo'y nagsisilbi nang hideout namin.

Inilibot ko muna ang paningin ko't siniguradong walang ibang tao ang nasa paligid bago ako kumatok sa bakal na pintuan.

*TOK TOK*
*TOK TOK TOK*
*TOK*
*TOK TOK TOK*

Parang secret password ang mga katok na 'yon dahil tanging mga miyembro lamang namin ang may alam no'n.

Isang malaking mama ang nagbukas ng mabigat na pintuan.

"Magandang gabi." Bati nito sa akin.

At dahil alam nyo namang hindi ko ugali ang magkabisa ng pangalan, syempre hindi nakaligtas sa akin ang isang 'to kaya isang simpleng tango na lamang ang naisagot ko.

Diniretso ko ng lakad ang madilim at makipot na pasilyo. After several moments of walking, huminto ako sa harap ng isang mataas na pintuan na siyang binabantayan ng dalawang malalaki ring mama.

Nagugutom na talaga ako.

Tutuloy na sana ako sa pagpasok nang harangin ako nung isang bantay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enthralled: The Black ChronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon