Chapter 1

141K 3.1K 199
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 1
Job

Ever since I found the urge in me to major in business and discovered the most influential company in the country, Sarto Corporations, I already promised myself that I would do anything just to graduate in college and work there. But now that I'm about to start my first day in their main office, I just want to back out and let my career end just when it's about to start.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo sa lobby ng building. Iilang minuto na lang ang natitirang pagitan upang hindi ako malate sa unang araw ko sa trabaho pero hindi ko man lang magawang humakbang ulit.

I stayed in my first job for a year, but my contract suddenly got terminated due to a fact that they needed to reduce the number of their employees for downsizing the business. I'm one the unlucky employees who got fired because they prioritized the tenured employees. At ngayon, kung mayroon lang talagang iba na tumanggap sa akin sa trabaho ay hinding-hindi ako aapak sa kompanyang ito pero tatlong buwan na akong naghahanap ng trabaho ay hindi pa rin ako natatanggap. I came to a point that I already questioned my own credentials and skills. I graduated with grades that could pass for a Cum Laude. Sadyang kinapos lang talaga ako ng iilang puntos. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako tinanggap lalo na ngayon na mayroon na akong experience.

When I finally lost hope, I tried applying here in Sarto Corporations. Hindi ko alam kung dahil ba rito ako nag-OJT kaya natanggap ako agad. Limang minuto lamang pagkatapos ng aking final interview ay agad na akong nakakuha ng trabaho. The salary's way above the minimum wage and there are overflowing benefits from the company, such as having my own car and a condo unit near the company, and more benefits that you could ever imagine. For sure, anyone who'd have the job offer that I got will rejoice, but not me. Halos tanggihan ko na ito kung hindi lang talaga nangangailangan ng pera ang aking pamilya.

My family just have enough to live. Halos maubos na ang ipon ng aking mga magulang upang mapag-aral ako sa Maynila. Gusto kong maibalik sa kanila ang lahat ng kanilang nagastos sa akin. By taking this job, I could easily pay them back. Baka maipagawa ko pa ng bagong bahay sina Mama.

Kung ito ay simpleng gawaing opisina lamang ay talagang walang pag-aalinlangan at maligaya ko itong tatanggapin. But to be the secretary of the President of the company, who is my ex-boyfriend, you will surely think twice or even thrice!

Habang pumipirma ako ng kontrata last week ay paulit-ulit kong iniisip ang aking pamilya. Kaya ngayon, ang nagbigay ng lakas sa akin upang magpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator ay sila rin.

"Be professional, Kriesha..." I whispered to myself as the elevator went up from the ground floor.

I shouldn't let my personal life interfere with my career. For sure, Rojan would also be professional when it comes to work. He's a prodigy when it comes to business that's why his family entrusted him to continue their legacy without any doubts. And besides, it has been almost two years since we broke up and went on separate ways. I'm sure he already moved on.

A man with a calibre like him wouldn't stay hang up for someone like me.

Hindi ko alam kung bakit napatigil ako sa pag-iisip at mas natakot sa iniisip na naka-move on na siya. If that's the case, he might take his revenge on me. Siguro'y papahirapan niya ako sa trabaho para makaganti sa akin.

However, I know Rojan isn't like that... He may be ruthless when it comes to handling their business, but he has a kind heart. Iyan nga ang dahilan kung bakit ako tuluyang nahulog sa kanya noon. Talagang biyaya na lang din ang kanyang hitsura na talaga bang parang pinagpala.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon