Hayaan mong simulan ko ang tulang ito
Sa kung paano ang salitang TAYO
Ay nagwakas sa salitang IKAW at AKOIkaw at ako na nangarap ng matayog
Ikaw at ako na naglakbay ng malayo
Ikaw at ako na naging masaya
Ikaw at ako na nangako ng panghabang buhay na magsasamaSubalit.....
Ang salitang tayo ay tuluyang naglaho
Na ang lahat ng ating ipinangako
Ay binuo na lamang ng ako
Na para bang ang ikaw ay nawala na sa mundo
Na para bang ang ako ay ibinaon na sa limot ng kahaponKaya...
Kaya aking sisimulan ang katapusan
Upang wala ng masaktan
Sa madayang nakaraan
Na ako lamang ang naiwan
Ang nakadama ng pait at sakit
Mula sa naiwan ng salitang TAYO.
BINABASA MO ANG
Ramdom Thought, True Feelings
Poetryhi guys suportahan nyo rin sana itong spoken words na ginawa ko ibat ibang uri ng spoken ang mga gagawin ko thank you 😚😚😚 Highest rank in #4 sweetheart Highest rank in poetry #36 (may 16 2018) thank you guys #25 in Poetry (sept, 26 2018) #38 in...