Panahon na ika'y hindi pa kilala
Puso'y masigla
Isip ay mapayapa pa
Labi'y laging may ngitiNgunit!
Dumating ang..
Panahon na ika'y aking nakilala
Puso'y tumatalon sa tuwa
Isip ay naging maingay na!
Labi'y abot langit ang ngitiMga araw ay dumaan na kasama ka
Puso'y nanabik na makasama ka
Isip ay naging magulo na
Labi'y binibigkas pangalan moHindi na namalayan
Puso'y nahulog na pala!
Isip ay ikaw lagi ang laman
Labi'y nanabik bigkasin katagang mahal kitaNgunit takot umamin
Baka ika'y mawala
Ngunit puso'y 'di na kayang kontrolin
Isip tila'y sasabog na sa kakaisip sayo
Labi'y nasasabik naDumating ang panahon....
Panahong puso'y 'di na nakontrol pa.
Panahong isip ay sumabog na
Panahong labi'y kusang binigkas ang salitang mahal kitaAng puso't isip ay umasa...
Umasa na ang nararamdam ko'y katulad ng sayo,Ngunit!
Puso'y nabigo
Isip ay nawindang
Labi'y tangi nabigkas ang katagang SAKIT!LIMANG LETRA! Tila'y inukit sa puso
LIMANG LETRA! na hindi nabura sa isip
LIMANG LETRA! Na paulit-ulit binibigkas ng labiLIMANG LETRA na dapat ang kahulugan ay mahal subalit kasalungat ang naging ibig sabihin!
Kun'di katagang SAKIT!
LIMANG LETRA ang naiwan at tumatak sa puso't isip
LIMANG LETRA tanging nadarama ng puso
LIMANG LETRA tanging inisip ng isip kung paano mawawala
LIMANG LETRA hindi kayang bigkasin kapag ika'y kaharapLIMANG LETRA lang pala
Ang kapalit ng katagang mahal kita!Anong gagawin?
Puso'y nadurog
Isip ay nawindang
Labi'y napuno ng lungkotAt luha'y tila ulang walang tigil sa pag patak
Unan at kumot ay basang-basang naSana hindi na lang binigkas pa katagang mahal kita, para ika'y kapiling pa!
At ang katagang SAKIT ay hindi na dinaranas pa.
Sana'y puso'y masigla pa!
Sana'y isip ay kay payapa pa!
Sana'y labi'y may ngiti pa!
BINABASA MO ANG
Ramdom Thought, True Feelings
Puisihi guys suportahan nyo rin sana itong spoken words na ginawa ko ibat ibang uri ng spoken ang mga gagawin ko thank you 😚😚😚 Highest rank in #4 sweetheart Highest rank in poetry #36 (may 16 2018) thank you guys #25 in Poetry (sept, 26 2018) #38 in...