DIVINE
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Uy, first time kong magising ng dahil lang sa alarm. Hehe achievement!! Deserve ko ng zagu mamaya.
Tumayo na ako at ginawa ko ang walang katapusan kong daily routines bago pumasok. Wala na si mama. Siguro 7am-3pm ang shift niya ngayon.
Kumain na ako at lumabas ng bahay. Babyahe na ako papasok eh. 9:30am na kasi at 11:30 ang pasok ko ngayon.
Habang naghihintay ako ng jeep, may huminto nanamang kotse sa harap ko. Anak ng tupa naman oh!! Umasa akong si Max yon eh hahaha. Si Kai lang pala. Sumakay na ako kasi alam ko namang isasabay niya na ako papasok.
"Girl kaloka ka!!! Ganyan ang mukha mo? Wala pang tanghali oh!" Loka talaga itong si Kai! Hahaha
"Gagu ka! Umasa akong si Max yung dudungaw sakin kanina. Yang mukha mo lang pala ang makikita ko" malungkot kong sambit.
Tumawa naman siya. Yuck ang pangit niyang tumawa. Parang kinakatay na baboy.
"Assumera ka girl! Abusado lang tayo dito? Hahahaha once is enough! Ipinatikim lang ni Lord sa'yo ang langit kahapon." Lintek!
"Gagu ka ah?! Ikaw ipadala ko sa langit diyan eh." Bulong ko.
"Isasama kita gaga!! Ay teh, speaking of isasama, gusto mo bang sumama sa party? Kila Lorenz. Yung varsity sa track and field?" Tanong niya sakin.
"Ha? Para saan daw yung party?" Tanong ko.
"24th birthday niya!" Inis niyang sagot. Kaloka, nagtatanong lang eh. Inis kaagad?
"Ay. Gurang na pala yon?" Tanong ko ulit.
"Loka ka!!! College na yun eh! Akala mo naman hindi gurang si Ralph? Eh mag 20 na yun eh!" Inis niyang sambit.
"Hoy Kai!! Hwag mong masama sama sa usapan si Ralph ha!!! Mas gwapo pa nga yon kesa dito sa kotse mo eh!" Sigaw ko sakanya.
"Hoy ka din!!! Hwag mo ngang masama sama ang kotse ko sa usapan!! At FYI, hindi gwapo ang kotse ko! Maganda siya, okay?! Maganda!!" Sigaw niya sakin. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Eh pano, pink na pink kasi ang kotse niya! Ang sakit sa mata.
**
Dumating na kami dito sa school at dumiretso na kami ni Kai sa room namin sa building C. Seatmate ko pala ulit si Max hehe kaexcite naman.
Maya maya lang ay dumating na din ang mga kaibigan ko pati si Max. Umupo siya sa tabi ko at nginitian niya ako. Shemay!!!
"Good morning polka!" Bati niya saakin.
Ha? Polka? Tinignan ko siya. "Polka?" Tanong ko.
Tumango naman siya habang nakangiti. "Oo." Sabay turo niya sa dibdib ko. LINTEK!!
Bakat yung design ng bra ko sa uniform ko!!! Akala ko yung walang design ang naisuot ko kanina!!
Napahawak naman ako sa dibdib ko. "Lintek ka!!" Sigaw ko. Buti nalang at maingay at kami lang dalawa ang nakakarinig sa isa't isa.
Tumawa nalang siya pagkatapos ay kinalikot niya na ang phone niya.
"Hoy Polka, ano yan? Bakit may gym bag ka na pang varsity lang?" Tanong ni Max habang nakatingin pa din sa phone niya.
"Ibabalik ko na kasi sana kay Ralph 'tong uniform niya. Baka kasi kailanganin na niya." Sagot ko.
"Ralph? Yung kateam mate ko?" Tanong niya.
"Ah oo nga pala ka team mo yun diba? Baka pwede namang pakibigay nalang ito sakanya oh?" Pakikiusap ko. Bigla namang nawalan ng ekspresyon ang mukha niya
"Ayoko. Tsaka isa pa, He's out of the country hanggang sunday." Sagot niya. Ang bitter naman ng bebe ko sa isa ko pang bebe. Hehe selos talaga 'to eh.
"Bakit daw?" Tanong ko ulit.
He shrugged his shoulder and looked at me. "Maybe because of his girlfriend?" Sagot niya. Napangisi naman siya nung nakita niyang ako naman ang nawalan ng ekspresyon. Nakakainis. May jowa na pala ang Ralph ko!!
"Don't worry. May pag asa ka pa naman sa akin." Sabi ni Max at kinindatan ako.
Ha? How did he know na crush ko siya?
He laughed. "Ano ka ba Divine! Masyadong obvious na crush mo ko. Hwag ka nang magtaka. Hahahahaha" Max.
Nag make face nalang ako sakanya at kinuha ang phone ko. Ang tagal naman ni sir! 15 minutes na siyang late oh!!!
"Sasama ka ba sa party ni Lorenz? I'll be there." Biglang salita ni Max. Kaloka ang gwapo gwapo ng boses!!!
"Hindi naman ako invited eh." Sagot ko. Totoo naman eh.
"Ano ka ba, everyone's invited." Pangungumbinsi niya.
"Sige. I'll try. Formal ba yun?"
"Of course!" Max.

BINABASA MO ANG
Upside Down
Teen FictionYou're a typical teenage girl who has no drama in life at all. Pero isang araw, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at bumaliktad yata ang mundo. Ang dalawa mong ultimate crush ay nagkakarandapa pa sa iyo. Anong nangyayari?