One

37 2 0
                                    



"Cessy! Gumising ka na at malelate ka na sa school!!!" Naalimpungatan ako sa alarm clock ko. Hehe oo alarm clock ko yung bunganga ni mama.

Nag unat muna ako bago dumilat.

"Oo na ma! Ito na ho babangon na." Sabi ko kay mama. Naramdaman ko naman na umalis na sya sa kwarto ko sa kadahilanang narinig ko na ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Bumaba na ako para kumain at gawin ang mga daily routine ko bago pumasok.

Oo nga pala, ako si Cessy. Cessy Divine Diaz. Usually, Divine ang tawag sakin ng mga kaibigan ko but my mama and my best friend prefers to call me by my first name.

Isa akong typical na tao. Alam niyo yun? Isang 18 year old na babae na puro pagpasok sa school at paghanga sa mga crush niya at paghahanap ng love life ang inaatupag. Hahaha I can say na wala masyadong drama ang buhay ko. Simple lang. Hindi kami mayaman o nakatira sa isang high end na subdivision or condo. Mala squatter's area ang itsura ng lugar namin dahil sobrang daming tao at feeling ko nga ay over populated kami dito sa lugar namin.

Single Mom si mama at only child lang ako. I've got my best friend Maura na kapit bahay lang namin and my other close(almost best friends) friends sa school since Maura and I doesn't go to the same school.

"MAMA!! AALIS NA PO AKOOO ASAN NA YUNG BAON KO?!" Sigaw ko mula sa ibaba ng bahay namin. Nasa taas kasi si mama at nagreready na din yun papasok sa trabaho niya.

"NANDYAN ANAK SA IBABAW NG TV!" Sigaw niya pabalik.

Kinuha ko naman ang baon kong pera doon. Pero bago ako umalis, umakyat muna ako sa kwarto niya para magpaalam na aalis na ako.

"Ma, alis na ako! Byeee! Ingat ka. I love you!" Pinuno ko ng halik ang mukha ni mama at niyakap siya bago ako tuluyang umalis.

Habang naghihintay ako ng jeep, may biglang huminto na kotse sa harapan ko.

Ang bastos naman nito! Papaano ko mapapara yung jeep na dadaan kung haharang ito dito?! Wala nang ibang lugar ng loading and unloading zone eh!

Nagulat naman ako ng bumaba ang salamin at dumungaw saakin yung kaklase ko na ubod ng gwapo. Shocks!! Eh crush ko ito eh!

"Divine, tara na! Sumabay ka na saakin papasok." Pagyaya niya saakin.

Sumakay ako ng walang pag aalinlangan. Aba tatanggi pa ba ako? Eh bukod sa napakainit eh crush na crush ko itong taong 'to!

Ayun nga lang, hindi ko siya katabi dahil nasa nasa harapan siya at may katabi siyang manong na around 50s ang age at mukhang kastila. Ang gwapo din!

"Uy Divine, daddy ko pala." Biglang salita ni Max. Max Marcelino ang pangalan nitong poging ito.

"Ahh.. Hello po uhhh.." nagaaliangan ako kung tatawagin ko ba syang tito kasi in the future naman papakasalan ko din itong anak niya eh.

"Sige Divine, Tito nalang. Tito jay." Ngiti niya. Tumango nalang ako at ngumiti.

Nilibot ko ang tingin dito sa loob ng kotse nila. Ang komportable grabe! Ang lambot ng upuan!! First time ko 'to hwag niyo kong ijudge! Hahaha

Parang ang sarap magselfie at ipost sa social media with matching caption na "At my future boyfriend's car" kaso magmumukha akong taong bundok eh hehe

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon