DIVINE'S POINT OF VIEWNaglalakad na ako palabas ng school. Pakiramdam ko e nakalutang ako sa ulap. Bakit out of nowhere eh itong mga crush ko ay nagsisilapitan saakin at kinakausap ako? Tulad ni Max, bigla akong kinakausap at isinasabay sa pagpasok niya sa kotse at tinutukso pa ako ngayon. hehe ang saraaaaap sa pakiramdam. Nagkaroon pa ako ng chance mameet yung papa niya. Ano kaya pakiramdam kapag buong pamilya niya na nakasakay ko sa kotse? hehe charot.
nakita ko naman na naghihintay na yung mga kaibigan ko sa labas kaya medyo nagmadali na din ako maglakad.
"Gosh, Divine! napakabagal mo naman maglakad. hanggang uwian ba naman hihintayin ka namin?" inis na sambit ni Liel.
"Hehe ito naman parang di friend." paglalambing ko sakanya. Natawa na lang siya at binatukan ako.
"teka, Divine! may ipinaabot si Max sa'yo. hinahanap ka niya kanina kaso hirap mo daw hagilapin eh." biglang pagsalita ni Maira. Naghalughog naman siya ng bag niya at iniabot saakin yung ipinapabigay daw ni Max.
Memory card? huh?
tinukso naman ako ng mga kaibigan ko. "Level up ka na fren ah? noon pa tingin tingin ka lang kay Max at tsaka pa silay silay tapos ngayon isinasabay ka na sa kotse tapos may ipinapabigay pa sa'yo." sabi ni Raven.
I can't help but smile. Max is one of my greatest inspiration and being close to him was a dream I've been wanting to come true and now, I'm just one step away from being his close friend.
"Alulululu kilig na kilig ka naman ate girl!" dagdag na panunukso ni Chrisae.
"Aba syempre! sino bang hindi kikiligin sa mga nangyayari ngayon ha?" sagot ko sakanya. Nagtawanan naman kami at nag asaran. palakad na sana kami ng bigla akong pigilin ni Maira.
"Divine, samahan mo naman ako kay Sir Loie oh? nakalimutan ko iabot sakanya yung attendance kanina eh." Maira.
"Huh? Hindi ba pwedeng bukas nalang iyan? nakakatamad na kasi pumasok ulit eh." pagrereklamo ko.
"Ay girl, wititit! aabsent ako tomorrow." sagot niya at hinila ako. "Guys, wait niyo nalang kami dito ha? saglit lang kami." sambit niya kila Kai. tumango naman sila at bumalik sa pagkukwentuhan.
"Ikaw minsan, bwisit ka din sa buhay ko eh no? uwing uwi na ako eh." inis kong sambit. Napatawa naman siya at nag make face. grr may araw ka din sakin, Maira. hahaha
nakaabot na kami sa faculty room. Nagpaalam naman ako na pupunta muna ako sa comfort room at tumango naman siya bago pumasok sa loob.
Habang naglalakad ako, natanaw ko naman si Max. medyo malapit lang siya sa girl's comfort room at siguradong madadaanan ko siya doon. Habang papalapit ako sakanya, napansin kong mayroon siyang kausap sa telepono. laking gulat ko nung pumasok siya doon sa cr ng girls.
Sobrang nacucurious na ako kaya mas binibilisan ko pa ngayon maglakad. Bakla ba 'to? transgender? may vagina?
Pagpasok ko eh nasa labas ng cubicle si Max. nagulat naman siya ng makita niya ako.
"Uhhh, babe lalabas na ako ah! kunin mo na 'tong pinapabili mo saakin." sabi ni Max at iniabot ang napkin na hawak niya sa ilalim ng pinto nung cubicle.
"Huh? babe?" saad nung babaeng nasa loob. ako naman ay nagkunwaring naghuhugas ng kamay.
"Oo, BABE ano kasi, may tao na dito.." medyo nahihiyang sabi niya. medyo natagalan bago sumagot yung tao sa loob.

BINABASA MO ANG
Upside Down
Teen FictionYou're a typical teenage girl who has no drama in life at all. Pero isang araw, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at bumaliktad yata ang mundo. Ang dalawa mong ultimate crush ay nagkakarandapa pa sa iyo. Anong nangyayari?