HOLY FOUR

1.7K 25 0
                                    

Holy four:The Xavier's

VERUKA'S POV

Umaga ng magising ako ay wala na sa si khalidya sa sariling kama o sa buong dorm namin.

Mag-kasabay dapat kami nito,siguro ayaw niya madamay kung ma-late man ako.

Nag-mamadali na akong pumasok at naabutan kong wala pa naman ang lecturer namin kaya umupo nako sa tabi ni khalidya na ngayo'y tulala.

"Hoi khalidya,'Bat walang paalam?"tanong ko sa kaniya at halos mapatalon siya sa gulat

"Jusko naman venus mag-paalam karin nga kung nandiyan ka,tsaka kaya ako nauna sayo dahil baka madamay pako sa pag-kalate kagigising sayo"mahabang litaniya niya

"Tsk..bakit ba---"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung dumating na ang headmistress.

"Good morning student's,Kahapon ay naudlot ang assassination class natin kaya ngayon ay Ipag-papatuloy natin"

Hindi nga siya nag-kamali sa sinabi niya,Isa na nga ako sa mga mamamatay tao dito sa eskwelahang ito.

"Ngayong 4th year students na kayo at graduationg bilang junior students ay pupunta tayo sa assassination field,doon makikita kung gaano kayo natuto sa aming mga tinuro"mahabang litaniya niya saka inayos ang salamin sa mga mata niya.

"At ang baguhan ay mananatili lamang sa tabi at manood lamang."dagdag niya pa saka tumingin saken ng diretso.

Tss,as if naman gusto kong mag-aral bilang mamamatay tao?...

Lahat kami ay lumabas na sa silid at nagsimulang pumunta sa assassination field na sinasabi nila.

Pag-karating namin roon ay grabe na lamang ang pag-kabigla ko dahil maraming istudyante ang pinag-aral dito ng assassination na ngayon ay susubukan ang galing.

Napaka-rami ng istudyante rito ngunit malawak naman ang field kaya hindi nag-sisiksikan,nakita ko naman yung mga kaibigan ni khalidya na sina joaquin,jessie,cone at si hunter na nag-hahanda ng mga baril at balisong.

Garbe naman,ang wa-wild ng mga student's dito samantalang sa casa academya ay puro pa girly roon.

Lumapit ako kay khalidya na ngayo'y nag hahanda narin ng mga armas na gagamitin.

"Para san ba yung assassination na yan?"tanong ko sa kaniya saka naman tumingin siya sa gawi ko ng seryoso.

"Tungkol ito sa mga ga-"hindi niya na naituloy ng umepal si sister maria dangal,sister daw itawag sa kaniya dahil daw isa siyang madre.

Grabe naman ang pag-kaloka ni sister maria at nag-karoon dito sa eskwelahan ng assassins.

"Binibining veruka venus,maari kanang maupo roon at manuod"sabi niya sabay tingin sa isang tabi.

Wala naman akong nagawa kundi sundin siya.

Ilang sandali lang ay gumawa sila linya kada section,hanggang sa nag salita si sister maria dangal.

"Ngayon ay magaganap ang assassination test,dito makikita kung gaano ang inyong nalalaman sa assassination lesson na itinuro namin noong firstyear palang kayo hanggang ngayong fourth year"tumigil muna siya saka huminga ng malalim"at ang inyong test ay subukan niyo kaming patayin"saka siya bumaba sa kinatatayuan niya atsaka lumapit sa siyam na mga 40's siguro.

Holy UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon