Trial&Error

50 4 0
                                    

*Jade's POV*

Hi, I am Jade Nickson Anderson. Yes, I'm an Anderson. But no, hindi ko tatay ang may ari ng school, kundi ang Tito ko.

I am an Architecture Freshman at member din ng famous band ng RAU na Trial&Error. I play guitars pero marunong din akong kumanta. Well tama na siguro yan for an introduction.

Trial&Error Studio

Andito ako ngayon sa Studio namin, Oo may sarili kaming studio dito sa school. Diba nga tito ko ang may ari ng school kaya madali lang para sa akin na gawin ang kahit anong gusto ko, huwag lang magbarumbado at manakit ng ibang tao.

At siguraduhin kong hindi ako babagsak sa klase.

"Pare, do you believe in love at first sight?" tanong ko kay Kurt, kabanda ko, drummer ng banda, Pero madalas kumakanta siya.

"Huh? bakit pare?" takang tanong naman niya

"Tignan mo to oh" sabay pakita ko sa picture ng isang babae na nasa phone ko.

"Pare Sino na naman yan?" sabat ni Jam sabay agaw sa phone ko. Si Jam pala, Dj ng banda. Siya ang naglalagay ng effects sa tugtugan

"Pare, wag mong sabihing type mo na naman yan hahaha" sabay tapik sa akin ni Lloyd, bahista ng banda.

"Naku pare, di ka pa nasanay kay Jade, basta maganda type niyan, hahaha" dugtong ni Rios gitarista ng banda.

"Chill dude, wag niyo naman ganyanin si Jade, alam niyo namang hindi pa siya nakakaget over kay Xandria diba, hahaha" Sabi ni Kent. all around ng grupo, kapag may wala siya ang pumapalit.

"Dude, wala naman na yung karibal mo dun diba" sabay pat ni Kurt sa balikat ko

"Sira, basted na rin naman siya dun diba"

"Hays! magsitigil na nga kayo! Tss." asar kong sabi.

"Hahahaha.Tara na nga lang, baka malate na tayo sa Drawing1 natin" pag iibang topic ni Llyod.

"Malelate na din pala kami sa Math namin" sabi ni Kurt, kaya sabay saby na kaming umalis ng studio.

Pagkalabas namin ng studio, di ko alam pero bigla akong napasilip sa may library. paglabas mo kasi sa underground studio namin eh malapit lang yung library.

At ayun, kaya pala, andun siya!

ang lakas ng instincts ko. hindi ko namalayan nakatanga na pala ako.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon