Ang Sulat, bow!

18 3 0
                                    


A/N: Katuloy po ito ng moment ni Andrei last chapter, nung hinatid siya ni Keann sa bahay nila.

*Andrei's VP*

"Imagine binantayan niya ako sa clinic kanina, pero teka, pano ako napunta sa clinic? binuhat din ba niya ako? aaayyiieee super nakakakilig! Tapos tapos niyakap niya ako ng super higpit. Bakit kaya niya ako niyakap? Inantok na siya at inakala unan ako? ehh kasi nakahiga siya sa may paanan ko eh. Pero nagsorry siya, dahil kaya akala niya hindi na ako makahinga sa pagyakap niya? ayy hindi dahil pala dun sa nangyari kanina sa laro. Speaking of laro, hmm ano daw?

"Mas mahalaga ako kesa sa laro?" sinabi ba talaga yun? ohh my, kinikilig ako, just be happy for me papa Lord, pwede po ba kapag hindi ko nahanap si SuperFlash eh si Keann nalang po ang mapunta sa akin? Please, Amen"

Ok done writing, kinuha ko yung lighter at sinunog yung letter ko para kay papa Lord dahil nga malihim akong tao, ganun ang ginagawa ko kapag may nararamdaman akong kahit ano, masaya o malungkot ako ehh isinusulat ko sa papel at sinusunog.

Si papa lang kasi ang nasasabihan ko ng mga sikreto ko noon, at nung namatay na siya ganito na palage ang ginagawa ko.

Oo may bestfriend ako pero hindi ko naman siya kasama palage, si mama naman busy lage sa trabaho para mapag aral ako. ehh si papa Lord alam ko lage nandiyan binabantayan ako. Ayy enebeyen bakit biglang nagdrama na naman ako?

Ayun. yiee hinatid niya ako dito sa bahay at binigyan pa niya ako ng mga gamot para sa gasgas ko. yiee.. I Love you Pororo.

"mwah mwah mwah" hinanalik halikan ko ang super laking stuff toy, yung bigay ni alex.

Habang mumomoment ako sa kilig, may narinig akong parang may tao sa labas.

"Tao po."

Ano ba yan ang Kj naman nun. Panira sa moment ehh. haha

"Tao po"

"Teka lang po! Andyan na." pasigaw na sagot ko habang kumakaripas ng takbo papunta sa may pintuan.

Pagbukas ko, bunuksan ko ang maliit naming gate at tumambad sa akin ang isang bouquet ng red roses. Hawak hawak siya ni manong, tapos may hawak pa siyang chocolate.

"Maam, kayo po ba si Ms. Andrei Imperial?" tanong ni manong

"Ay, opo opo ako—" sagot ko habang inaabot yung bouquet ng roses at chocolate pero..

"Ah salamat po, di bale dito po sa kabilang bahay si Ms. Santos?" sabi ni kuya habang patalikod sa akin. Ouch, ang nagger ni kuya.

"Opo, bakit po?"

"May nagpadeliver po kasi sa kanya nitong mga bulaklak at chocolate. Sige po maam. Salamat"

Emergeeeed. You mean kay Ms. Santos yun? Si Ms. Santos na 65 years old na wala pang asawa. Yiieee may suitor siya? Hahaha mabuti na yan baka medyo bumait bait naman siya, haha Para siyang laging may dalaw ehh kahit menopause na.

Pabalik na sana ako sa loob ng bahay pero...

"Miss, ikaw si Andrei diba." tanong ulit sa akin ni manong.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon