Kung iniisip nyo, isa na namang "cinderella-type-cliche-story" eto, puwes wag kang judger! Hindi eto gaya ng cinderella story ng isang mahirap na girl na may na-meet na mayamang Prince, inalis sya sa squatter, with eksena ng buhusan ng tubig sa mukha with the in-laws and malditang senyoritang ka-third party pero sa kabila ng lahat eh happily ever after pa din. You're wrong! Iba ang kwento ng buhay ni Alisa, hindi pang fairytale bes! Pang MMK tsaka pang SOCO :-p
Alisa's POV
Dito po tayo ngayon mga kaibigan sa Brgy Tulok, Caloocan City. As you can see, isa po etong squatter area. Nakikita nyo po ang mga baradong kanal dito sa gilid. Di nyo po gugustuhin kung maamoy nyo pa yan. Pagmasdan nyo na lang po at iimagine kung gaano sya ka-kadiri mga bes! Tapos ang mga bata po dito...
"Hoy Alisa! Lintek na bata eto at nagvivideo na naman, yan na naman selpon ang hawak mo. Kung nangangarap ka maging reporter or artista, mag aral ka muna ng maayos at asikasuhin mo yung mga sitenta mo na grades, sakit mo sa matang bwiset ka!"
As usual ang number one ko na basher, si mama Panying! Di pa nga ako nasikat, may basher na agad ako.
"Mama, di to pagrereporter, tsaka di eto pag aartista, ang tawag dito vlogger! (with super emphasize yung pagpronounce ng "v") palibhasa puro memes lang at chismis ni Koya Wil ang lagi mo pina follow sa FB eh, kaya wala ka alam sa mga Vlogging thingy"
"Eh ano ba mapapala mo dyan sa "blagging tinge" mo na yan.. Para kang tanga. Tinatawanan ka lang nung mga makakakita sayo! "
"Ma, di mo din kasi magegets kahit iexplain ko sayo.. "
"So tanga ako ganun? "
"Di naman sa ganun 'ma. Sige, ganito kasi yan, di ba nga, nagvivideo ako ng mga pangyayari dito sa barangay natin, tapos iuupload ko sa youtube, tapos gagawa ako ng channel, syempre ang goal ko dito is magtrending para maraming views, tapos gagawa pa ako marami pang videos hanggang maging famous vlogger ako. Malaki kitaan dito ma. May kakilala nga ako blogger sya tapos nasa 100k to 500k kita nya sa isang buwan eh! "
"So iniisip mo na makakaahon tayo sa kahirapan dyan sa kaengotan na pinaggagawa mo? "
"Definitely ma! At pag ginawa din kita na partner sa vlog ko, kikita ka din, sisikat ka pa! "
"Parang labo, paano ka kikita ng pagvivideo at pagpopost, sino magbabayad sayo? Yung makakanood? Tsaka lalangawin lang yang video mo. Hay naku! "
"Ewan ko sayo ma, kontrabida ka ng taon! Kahit iexplain ko, di mo talaga magegets. Balakadyan! "
Basta hindi ako ako dapat magpadala sa mga bashers or mga negative na maririnig ko. I am 21, I am smart (sa paraang alam ko) and maganda din naman ako. Four years from now, milyonarya na ako!
Kenneth's POV
(Si Kenneth, also known as "Zanjoe ng Tulok", kasi syempre kahawig sya ni Zanjoe Marudo. Matangkad din. Moreno. Gwapo. As in totoong gwapo. Maraming nagka crush sa barangay. Laging escort kapag kelangan ng escort sa mga event. Panlaban sa mga Mr. Barangay, Mr. Bayan, Mr. School, Mr. Lalawigan etc.. pangarap nya mag artista kaso wala pang makadiscover na talent manager. Sobrang bait at down to earth na bata. Matalino pero di naman top 1 sa class, mga top 6 lang ganun)
Usual na routine nya pagkauwi galing sa school is humilata sa sofa habang naglalaro ng mobile legend. Di kasi sya mahilig gumala. Mas masaya sya nag oonline game sa bahay.
And as usual, bunganga na naman ni alisa ang naririnig nya sa labas. Schoolmate sila. Magkaiba lang ng course. Impression nya kay Alisa: Maganda pero may pagka engot, ambisyosa pero krung krung. Pero mabait, mapagkawanggawa, tsaka super mapagmahal sa nanay nya (though minsan balahura magsalita. Kala mo magkapatid lang sila nung nanay nya kung magusap) . Like today. Nag aaway na naman sila about sa pag vlog ni alisa. Aware sya na pangarap ni alisa maging milyonarya. Tamad sya mag aral. Ang katwiran ni krung krung, mga multi-billionaire nga daw sa mundo mga drop out sa college like Henry Sy daw, Steve Jobd etc.. Gusto nya maging famous, maging negosyante pero ayaw nya maging empleyado. Kakaiba talaga utak ng babaeng to.
Gulo gulong hair na nakasando lang at jogging pants. Nagsasalita magisa habang hawak ang cellphone na Oppo. Unintentional na lumalabas ang malalim na dimple.
Nag eenjoy lang sya panoorin si krung krung. Kahit ganun to, he found her cute. Di nya mapigilan mapa smile. Marami nagkakagusto sa kanya - kapitbahay, classmate. Pero parang sa babaeng to lang yata sya hindi mukhang attractive.
Marami din magaganda at matatalinong girls na nagpapakita ng motive sa kanya. Pero wala sya magustuhan. Never pa sya naging interested sa kahit na sinong girl sa paligid nya. Except sa isa. Sa babaeng kakaiba sa lahat. Maybe dahil nachachallenge sya dahil hindi man lang to na cute-an sa kanya kahit minsan. Or dahil di pabebe. Or dahil walang reason. Basta na lang sya naattract. Masaya lang sya pag nakikita to. Kung sa ganda, marami pang iba nas mas maganda. Kung talino, eh lagi nga tres ang grades. Or dahil pasaway si kupido? Mas trip nya dun sa pinaka unexpected person ang papanain for you.
Hay Krung Krung....
Kinuha nya ang cellphone. Palihim na vinideo ang dalaga..

YOU ARE READING
Alisa's Story
FanfictionEvery girl's dream: Makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho. Magkaroon ng kotse, magandang bahay at higit sa lahat makapag asawa ng guy na magmamatch sa "Mr Dream Guy" na meron ng mga traits and looks na binuo nya sa utak nya. Nabuo s...