-PANIMULA-
Naranasan mo na ba nainlove sa kapwa mong babae? Yung minahal mo talaga ng sobra tapos malalaman mo na isa ka lang pala sa mga taong nainlove sa kanya at pinaglaruan nya?
Nagpakatanga ka na ba sa isang tao dahil mahal na mahal mo sya?
Handa ka bang masaktan para lang sa kanyang kaligayahan?
Ako kasi oo, ginawa ko ang lahat para sumaya si Loris.
Dumungaw ako sa libro ko habang Nagbabasa sa canteen ng school. Binabalewala ang mga taong tinitingnan ako at naguusap-usap tungkol sa nangyari.
"Sya yung ex ni Loris diba? Kawawa naman! Kita nyo yung mata? Namumugto, siguro sa kakaiyak yan."
Napatingin ako sa mga babaeng narinig ko na agad namang umiwas ng tingin at nag panggap na di nag-uusap tungkol sakin. Kakaiyak?! Kakaiyak nyo mukha nyo! Di ako umiyak dahil sa lungkot! Umiyak ako dahil sa inis ko sa sarili ko.
Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo sya pa yung minahal ko? Marami namang lalaking nagkakagusto sa akin dyan pero bakit babae pa yung nagustuhan ko?
Bakit sa kabila ng pananakit nya sakin hindi ko magawa ng magalit at magtanim ng sama ng loob sa kanya? Bakit kahit pinaglaruan nya ako ay mahal na mahal ko parin sya?
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya.
Nagsimula itong lahat dahil sa isang competition na sinalihan ko noong nakaraang taon. Nagkausap kami at naging sobrang close hanggang sa mahulog ako sa kanya.
Sa totoo lang hindi naman ako mahihirapang humanap ng iba dahil maraming nagkakandarapang lalaki sa akin pero wala eh, sya lang talaga. Argh!
Kahit sobrang nasaktan nya na ko mahal ko parin sya.
Isang buwan nalang at mag-iisang taon na kami ngunit hindi na umabot. Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman ang lahat ah? I did everything to keep her and make this relationship work pero wala she wasted our almost 1 year relationship.
Honestly, I did everything to stay beside her kahit na minsan ay hindi ko na sya maintindihan.
She gave me a million reason to let go of her yet I stayed.
Sana ay hindi na lamang nya ako niligawan kung hindi din naman nya ako mahal.
Putaragis yan! Naiiyak na naman ako! Kinuha ko lahat ng gamit ko na nakapatong sa lamesa bago tumakbo papunta sa comfort room.
Nang makarating ako ay unti-unting bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sana man lang kung wala talaga syang nararamdaman ay hindi na nya pinaramdam sakin na mahalaga ako sa kanya.
Nasa buong sistema ko na sya, ang hirap nyang tanggalin.
Nasanay ako na lagi syang nandyan kaya ngayong wala na sya ay sobrang nahihirapan akong mag-adjust.
Lahat ng nasa akin ay nawala nang dahil sa kanya.
Ang mga kamag-anak ko ay unti unti nang lumayo nang malaman nilang bisexual ako.
Lumayo silang lahat ngunit parang wala lang sakin, ang mahalaga ay kasama ko sya.
Kahit ang pinakamatalik kong pinsan ko ay tuluyan na akong iniwan dahil nalaman nyang girlfriend ko ang babaeng matagal na nyang pinapantasya.
Putangina okay lang sakin na mawala ang lahat wag lang sya! At ngayong wala na sya wala ng natitira sa akin kundi ang mga kaibigan ko.
She was my everything and she left so now I have nothing.
Ang hirap pala talagang magmahal.
Sawang sawa na akong paulit-ulit na masaktan nang dahil sa kanya pero patuloy parin akong umaasa sa isa pang pagkakataon.
What if this time maging maayos na.
What if this time magwork na.
Too many what ifs were bugging me.
Iisa lang ang bagay na sigurado ako, kung sakali mang bumalik sya ay tatanggapin ko parin sya mahal ko eh.
Willing akong maging tanga para sa kanya.
Kung sakaling humingi sya ng isang pang pagkakataon ay bibigyan ko parin sya ganyan ko sya kamahal.
-
-
-
-
-
---------------------------------------------------
End of prolougeTHIS TIME BY SASSYNAIAH
SANA NAGUSTUHAN NYOOO! :>
DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW ME! SHARE NYO NA DIN SA FRIENDS,RELATIVES, PET AND FAMILY NYO HAHAHA I LOVE YOU ALL!!
YOU ARE READING
THIS TIME (ON-GOING)
Fiksi RemajaDo everyone deserves unlimited chances? Sometimes we forgive people simply because we still want them in our lives. Is it right to let someone you love go hoping he/she will come back soon? Is it right to expect to much from someone? Ang librong ito...